Dati rati kahit ganito ko kataba di ako naiilang na maki salamuha sa mga tao, specifically sa mga get-together ng mga kamag anakan ko. Pero ngayon hindi na, as much as possible ayoko na magsasama sama sa mga birthday parties etc... Kasi nakakasawa na dahil bago mo pa malunok yung handa nila o bago pa sumayad yung noo mo sa pag mamano masasabihan at makarinig ka na ng mga salitang mataba, ang taba-taba, grabe anong nangyari sayo,anlaki mo, bakit ganyan, ang baboy??
Oo aminado naman akong mataba ako nag gain ako ng 20 ek-ek simula nung virgin pa ko pero di naman pang biggest loser ang timbang ko. Okay lang naman na sabihan nila ko ng mga ganun keri naman maano pa't naimbento ang salitang plastik pero utang na loob naman wag naman sanang kada magkikita yun agad ang sasabihin. Shet paulit ulit!? Feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa kanila dahil sa pag gain ko ng timbang samantalang sila nga eh para namang buntis sa laki ng mga puson. Anu beh! Kung sinu pa yung MGA chakabelles sila pa yung bongga lumait sa katawang lupa ko. I really feel bad about it nakaka degrade!
Paminsan sinasagot ko din yung mga banat nila, sa isip ko nga lang. Pinipigilan ko pa din naman yun sarili ko na maging taklesa tulad nila.. Eto ang ilan sa mga sinasabi kong nakaka sawa na, nakaka-insulto pa.....
#1
Tita Marge: Grabe ang taba mo pa din.
Ako na mataba: Grabe ba't ag pangit mo pa din? Kamuka mo pa din si Mrs.Simpson. *pero syempre di pwede sabihin sa isip ko lang Pero malay mo malapit na para matigil na siya* Ah kasi po pro RH bill ako malas lang po na hiyang di na nakabawi.
#2
May parlor games sa MCDO di naman ako sumasali pinipilit lang ako ng host at tong si the**** humirit ng
Mahiya ka nga ang laki laki mo sasali ka pa diyan kapal ng mukha.. Sabi ko nga bawal na bang sumali ang matabang tulad ko. Basagan lang ng trip.At syempre bilang tahimik na nilalang di ako sumagot,kunwari wala nalang akong narinig kahit rinig na rinig ito sa buong function hall.Shet lang ang pakiramdam nakaka iyak, nakakawala ng spirit chos!.
#3
Feelingerong Frog: Ayos ah para kang napabayaan sa kusina ah!
Ako na mataba: Ay, sorry naman madami kasi akong pambili ng foods eh..* Pag tag hirap na tol sinasabi ko sayo patay ka kaagad sa gutom dahil sa kapayatan mo ako pasexy pa lang.*
#4
Boylet: Bakit tumaba ka ng gusto?
Ako na mataba: Bakit tumaba ako ng husto?
Boylet: Uu, hello inulit mo lang? Nanay na nanay ka na. Anong nangyari? Grabe ang taba mo..i hope you're not offended ha mare.
Ako na mataba: ..................................
#5
The ****: Anu ba yang ang hilig hilig magpagabi ni
cheverloo alam ng mahirap yung panahon ngayon madaming loko loko!
Ako na mataba: Ok lang po yun may police naman sa may sakayan. Bakit po ako ilang beses na ginagabi ok naman?
The **** : Ikaw yun eh
mataba ka eh.
Ako na mataba: *this time diko napigilan yung bunganga ko* Ano! porket mataba na di na pwedeng maholdap o mabiktima ng mga loko loko diyan? Ang ganda ko kaya ang kinis ko pa!
|
Hiskul- Kasalukuyang di pa uso ang pagkain. Kasalukuyang napagkakamalang akong adik. |
|
Bequethal- Kasalukuyang di pa din uso ang pagkain. 32-25-33 |
|
and so on...
|
Hays, madalas di ko na din alam isasagot ko sa mga tanong na yan at sa mga pinagsasabi nila. Positive na lang siguro mas nakaka offend lalo siguro pag sinsabi niya sa akin yan (lalo na ni #4) tapos wala pa akong 3 anak. Di ko naman siguro kasalanan na malaki ang bone structures ko asa genes eh therefore kasalan yung ng mga magulang ko*joke!*. Salamat nalang po Papa God dahil 5'6 ang height ko di ako nagmukang mojako. Salamt na din po at may the looks ako kahit papano di man kagandahan di naman po kapangitan. Salamat na din po sa skin na binigay niyo kasi super smooth. Salamat po lalo sa asawa kong inlab na inlab pa din sa akin kahit di na ko sexy at sa mga anak ko pong bright na bright sa school. Mmmmmm...Pero nalulunkot talaga ako. Tuluyan nang nawala ang natatangi kong confidence. Siguro naman masaya na sila=(