LOCATION:Baguio
Pagkatapos namin sumakay ng boat sa Burnham park kasama ng aking kapatid at 2 pinsan dahil hinihintay namin ang isa naming kapatid na nakaligtaan na makikipagkita pala siya sa amin, kami ay nag desisyon na na lumakad sa may banda kung saan merong masasakyang cab. Habang kami'y naglalakad, ngkwekwentuhan,nag pipikturan, meron biglang isang lalaking lumapit sa aming grupo. Nakangiti siyang lumapit sa amin at tinanong kung kami ay katoliko. Siyempre bilang isang anak ng diyos proud pa kaming sumagot saba'y sabay ng opo. Sabay labas niya ng isang bagay na may imahe ng iba't ibang mga santo.
MANONG: Nagsisismba ba kayo?
KAMI: opo
MANONG: eto may IBIBIGAY ako sa inyo
SIYEMPRE BIGAY DAW KAYA TUWANG TUWA NAMAN KAMI
AKO: ay anu po yan
MANONG: gawa to ng mga bata sa orphanage
KAMI: aH ganun po ba.
Manong: o eto tig iisa kayo, gawa nila yan blessed na yan
Kami: salamat po.
Manong: 50 lang isa
(huwaaaaaat????sabi niya kanina BIGAY?? ano to apat pa naman kami)
Ah ganun po ba?eh wala po kaming barya eh..
MANONG: sige 30 na lang
KAMI:(kamot ulo)
Scene2
LOCATION: San Fernando La union
Nangyari ito after ko makipag meet sa aking kaibigan dito sa province. Pagkababa na pagkababa namin sa kanilang kotse biglang may sumalubong sa amin ng mga bagets ko na isang studyante (ata) dahil pinakita pa niya ang kanyang I.D at sabay bigay ng isang card na kasukat ng calling card na may imahe ni Mama Mary at ni Papa Jesus na Hologram ang dating. Napaisip na naman ako sa pagkakataong ito dahil sa nangyari sa amin nitong nakaraang Linggo lang.Aba pagkakataon nga naman.At 70 naman ang presyo. Sinubukan ko itong tanggihan ngunit ipinilit pa din sa akin. Siguro sa araw na yon dahil gabi na wala pa din siyang benta kaya binigay niya na sa mas mababang halaga. (photo not included)
Sa totoo lang malakas ang FAITH ko kay GOD. Di ko alam kung kasalanan ba na mapag isipan ng iba yung mga taong ito. Kung anu man ang pakay nila sana huwag na nilang gamitin yung nasa itaas. At kung ayaw bumili ng tao wag na nila ipilit at sana huwag na din sialng umamit ng statehiya na pag once andun ka na sa situation di ka na pwedeng humindi O kung anu man sana sabihin nalang nila yung totoo hindi yung gagawa pa sila ng kung anu- anung kwento. Nadismaya talaga ako sa pangyayaring yun di dahil nanghihinayang ako sa trenta at singkwenta na ibinyad ko kung di dahil naiinis ako sa mga taong nananamantala sa panginoon sana nga sa mabuti mapunta lahat yun.Mag mamahal na araw pa naman.









