7/11/2011

The story of us #5: "Happy 12th year to us. Cheers!"

Looking back, there aren't enough flowers or anything on how to describe that day was. 




Taon taon 2 beses kaming nag babatian  ni Shano Gibbs ng happy anibersaryo. Para ngang mas feel ko pa to i-celebrate kesa sa wedding anibersaryo namin. Mas espesyal kasi sa akin tong araw na to kasi dito nagsimula ang kagaguhan ko,naming dalawa.  Pang MMK kung paang MMK ang mga happenings.


Honey,we've gone this far and i know we could make this relationship much stronger, better and longer.Im so much blessed to have you in my life(plus the kids)


THANK YOU 
FOR ALWAYS SEEING ME BETTER 
and FOR LOVING ME UNCONDITIONALLY
*kahit na madalas maldita ako at wala na sa hubog ang katawan ko.

I KNOW GASGAS NA YUNG LINES KO PERO I WILL NEVER GET TIRED OF SAYING IT..I LOVE YOU SO MUCH!

Happy 12th year.




*much better if you're here to celebrate it with me


7/04/2011

Use PICKLED in a sentence=)) ISIP ATSARA KA TE?



Kadalasan sa araw-araw may mga pangyayari o pag-uusap na kahit  di mo gustong  makita o pakinggan eh di mo ito maiiwasan. Tulad ko kanina lang, sa di sinasadyang pagkakataon di ko naiwasang MAKINIG *chumismax, MAPALINGON AT TULUYANG NAPATAWA AT NAPA-ILING.

Habang hinihintay ko kanina ang aking mga bagets sa school nila may isang babaeng pumukaw ng atensyon ko. Pumukaw dahil sa mala mega phone niyang boses na di ko alam kung likas lang niya ito o ano. (Wala namang masama dun lahat naman tayo may moment na ganun lalo na kapag kasama natin ang mga kaibigan natin.) May taas siyang 5 flat, partida naka wedge ang girlalu. Mga edad 35-40, maputi ang mukha dahil sa chin chan su, at nagmumura sa pagka yellow ang mga julahas. Okay naman ang da looks may datingan din huwag mo na  nga  lang pagsalitain. Pero panalo to si ateng pinawi niya ang pagka bagot ko na napawi din nung  napaisip ako.


SI ATE  *habang nagpapamaypay - PICKLED MINDED AKO KASI KAYA PAPALIT PALIT NG PINTURA YUNG HOUSE KO EH...blah blah blah....*ume echo sa pandinig ko sa sobrang lakas...

Pickled? Ahh baka nagkamali lang.... F at P bka naipagpalit lang


SI ATE  *habang nagpapamaypay with matching punas sa pawis- HAY  ANG HIRAP TALAGA PAG PICKLED MINDED MAGASTOS,ALAM MO YUN..

Aysus! Pickled nga talaga....*OO nalang ang naisagot sa kanya nga mga alepores niya.


SI ATE  *habang nagpapamaypay - HAY NAKU KAHIT AKO DIN SA MALL PAG NAMIMILI NAGAGALIT SI HUBBY KAYA KADALASAN AYAW NIYA SUMAMA KASI PICKLED MINDED DAW AKO ANG HIRAP KO DAW MAMILI BIBILHIN NA PAPALITAN KO PA..


Ateng! paulit ulit??????? Sige na ikaw na pickled minded! ISIP ATSARA sa tagalog..

Gusto kong  matawa kanina  ng bongga pero hello telephone bakit ba anu bang pake nila kung PICKLED ka o hindi ? Ikaw na nga banka uulit ulitin mo pa. Curious tuloy ako kung bakit mo to inuulit ulit. May gusto ka bang marinig sa mga kausap mo o gusto mo tumatak sa utak nila na may pera ka, mayaman ka? Kasi sa daloy ng kwentuhan niyo kanina ang dating sa akin eh KUNG MAY PUSA SILA ikaw may TIGER. Gusto ko sana itanong kung anung klaseng PICKLE ka FICKLE MINDED ba yun ibig mong sabihin.

Sige na nga ikaw na may isip na pwdeng ihalo sa macaroni salad=))
Salamat sa free electricfan, sakto napaka init kanina. Di ako maka get over.=))









Definition of
adj
PICKLED

1: preserved in or cured with.

2 drunk 







Pikatyur from yahoo=))




O_o






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...