Showing posts with label My experiences. Show all posts
Showing posts with label My experiences. Show all posts

6/19/2012

Still trying to get back

My HEART for each and every time

Its been ages since the last time i visited you=) 
Been trying to figure out things lately and questioning why things happen. 
I have not felt this kind of pain for years and my sadness 2 months ago didn't amount to this *sigh* (Uyeah,in times like this i need juicy fruit gum. =D) 
Funny how i'm still having a hard time to let go and move forward, move forward without looking back instead of bathing myself with those negativity.


"We need to understand, though, that God has given us the grace to live today. He has not yet given us TOMORROW's grace. When we get to tomorrow, we'll have the strength to make it through."

And so i will "TRY" to let go and let things be.....
 Thank God I am stuffed with faith, hope,patience and love.





wondering what she's asking and praying




Another nonsense post. Just saying

O_o
























10/29/2011

Eat and Run, literally..

                Last Saturday umattend kami sa wedding ng isang kaibigan dito sa Nueva Ecija.  Kung ire-rate ko siya from 1 to 10 bibigyan ko tong wedding na to ng 4. Eto yun tipong nung asa simbahan ka pwede kang tumambling sa mga upuan dahil swakto lang ang pipol. Ok na sana ang lahat kaso pag dating sa reception kaboom! Jampaks kung jampaks! Ultimo mga sponsors di alam kung sa pwepwesto. Buti na lang nakahanap kami agad ng mga bagets ko ng place( expert lang, sayang ang free lunch=P). 

              I was quite disappointed dahil di pa man nakakapasok ang groom and bride at mga entourage tong mga ka-table naming mga gurami at iba pang mga bwisitors nilalanatakan na ang fish fillet , chicken embutido, lechon, lengua, beef broccoli, penne pasta salad (na di nila feel, buti naman at fave ko yun) at kanin  na nakahain sa table namin! Homaygawd! Di man lang inantay makapasok ang may pakain.Sheeeeez! Di man lang nag antay mag pray! Nang makapasok na ang bride and groom at naka upo na sa kanilang place.Ni wala man lang sabi sabi o dasal dasal galit galit na lahat ang mga bwisitors. At dahil sa na culture shock ako at ang mga bagets ko (at tlagang culture shock ang description ko dito) parang dinaanan ng TORNADO ang mga pagkain sa harapan namin. Ang nakakalunkot pa dito sa wedding na to besides sa di kami na chow ng lubusan after chibugan,  ang  80 %  ng biwisitors nagsiuwian bigla pagkatapos na pagkatapos mamantikaan ang mga mouthssss.WTF na WTF talaga! Grabehan!Literal na EAT and RUN. Naturingang mga tanders walang ka breeding breeding. 

*I would not want this to happen on my own wedding. Baka di ko sila matantsa bawiin ko mga kinain nila Yun lang, bow!

  

                                  

9/24/2011

The story of us #6: "MY SURPRISE WEDDING"

                      

Winnur ang Girlalu..Haba ng hurr. Sinu ba namang babae ang di mapapa OO sa ganito? Choosy ka pa kung tatanggi ka. At bongga din naman tong si kuya napaka brilliant ng ulo mind mo di naman halata na di mo siya ganun kamahal no? 

Lahat naman ata ng girl nangangarap na ikasal. Yun iba gusto bongga yun tipong sa hongkong pa ang venue. Yung iba nman sa beach ang gusto kasabay ng paglubog ng araw. Yung iba sa simbahan yung tipong isang baranggay yung bisita lalo na pagdating sa reception, samantalang nung nasa simbahan, kayo lang nung ninong ninang at mga abay lang ang present. Meron ding garden at meron ding civil. 


Walong taon na ang nakalipas nung kinidnap pinakasalan ako ng mister ko.*and yes batang bata and fresh na fresh pa kaming dalawa nun* Tulad din ng iba civil lang ako sinakal kinasal.Pero kahit sa civil lang naging memorable naman ito. Panu ba naman hindi eh kinasal ako ng di ko alam na ikakasal na ako nung araw na yun!!! Katulad din nitong si girlalu. Yun nga lang bonggang version yung kanya.=)


Tandang tanda ko pa 10:30 ng umaga yun ng September 27/02 sa iskul ko sa may bandang Pedro Gil kakatapos lang ng religion class ko nung akoy istupident pa. Biglang nagtext si Shano Gibbs, (tanda ko pa nga de antena pa yung  cellphone ko noon, di pa nga uso ang unlitext at jejemeon.)tinatanong niya kung tapos na daw ba yung class ko at my pupuntahan kami..blah blah blah blah blah. Di sabi ko naman tapos na at asa labas nako nag aabang na ng masasakyan pauwi. So after nung text niya naghintay ako at aba naka cab ang Shano Gibbs iba ang arrive nito parang aatend ng binyagan with matching 2 alepores pa.Edi nagulat ako,shempre nagtanong ako kung bakit sila kasama at bakit naka pang simba siyang polo eh hindi naman Linggo. Sabi niya "basta tara sumama ka nalang may pupuntahan tayo".Di ako naman si uto-uto sumama. After ilang minuto ng katahimikan sa loob ng taxi sa Manila city hall pala ang destinasyon namin. Sa totoo lang kinakabahan ako ng mga panahong iyon di ko alam kung anu ba talagang gagawin kung bakit dun kami pumunta.Naisip ko pa nga na ang arte naman nito ni Shano Gibbs kukuha lang ng birth certificate naka japorms pa at nagsama pa ng papa-miryendahin.Di ko na idedetalye kung panu yung iba basta alam ko in an instant parang instant noodles lang, ayun na pala ang katapusan ng pagka singgol ko.Walang invited na relatives on both sides as in wala lahat. Shotgun kung shotgun.
Akalain mong may taga KODAK din sila.



You may kiss the istupident bride



Nabadtrip ako sa totoo lang. Dahil di man lang nagpasabi para man lang nakapag dress ako, nakanampooch naka uniform lang kaya ako!!!! Di man lang ako nakapaglifistik,make-uff o Fowder!!! Ultimo pag sususklay na di ko talaga gawain di ko nagawa sa araw ng sakal kasal ko o nakatakbo man lang..(joke hon hehehe. Masaya naman ako kasi ikaw yung napang asawa ko..)Sa awa ng diyos kami pa din naman.9 years na kaming magkasumbuhay. Masaya pa din and still kinky kicking tulad pa din ng dati.Di man ganun kagarbo yun naging pagpapakasal namin o kung sa tingin ng iba na walang talagang kagarbo kagarbo at least alam namin na mahal namin yun isa't isa at masaya kami sa naging resulta.

*happy 9th wedding anibersaryo let's seize the happy hormones moments when you get back, I mishew so much and i love you!*








*Pangarap ko pa din ikasal sa simbahan o sa beach. Mag-iipon muna kami baka sa silver na lang kung di pa gunaw ang mundo. Siya nga pala ang reception namin eh naganap sa bubuyog fastfood.Sowsy di ba.






O_0
                 

9/10/2011

BAKIT MO KO INIWAN?

Madaming ka SHiTAN ang nangyari sa akin nitong nakaraang buwan isa sa mga highlights nito ang pagkawala ng isa sa pinaka importanteng parte ng buhay ko sa loob ng 8 years. Sobrang di pa din ako maka get-over  hanggang ngayon. Kahit sino naman siguro di ganun kadali basta basta kalimutan na lang ang pinagsamahan. Lalo na't nakasama ko siya at my lowest ebb and sa mga pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko.

Add caption
 Opo, isa po akong dakilang tanga. Di pala biro ang pagiging tanga. Pwede namang maglakad bat nakuha ko pang mag-tricycle?Pwede namang iwan yung phone bakit ko pa dinala? Pwede naman hindi muna ibalik yun kelangan ibalik bakit ko agad binalik? Tan ang paulit ulit na pumapasok at naglalaro sa utak ko hanggang ngayon. Hay!

Nung confirmed na nawawala  si Sammy the Samsung  agad agad akong  nag marathon papuntang paradahan ng tricycle, hoping and praying na makita ko dun si Mangundadatu (kamuka niya talaga kasi si Mangundadatu) at di naman binigo ni Lord yun prayers ko. Yun nga lang wala daw siyang nakita na phone sa tricycle. !@#$%^&i *(Imposible di butas ang bulsa ko para mahulog ito ng nakatayo ako!) Sa pagkakataong to lahat na ata ng mura sinabi ko, (sa sarili ko lang). Parang gumuho ang mundo ko,gumuho talaga*slight. Tinawagan ko ito gamit ang phone ng lola ko. Super bonggang ring pa din siya pero di na sinasagot. Tinadtad ko ng text ang sarili kong phone na nagsasabing kanya na yung phone ibalik lang niya yun SIM ko. Actually nga nung kinagabihan na contact ko pa ang sarili kong number,girlash ang sumagot.

AKO- Hello, Please naman oh ikaw ba nakakuha ng Cellphone ko?
JEJEGIRL- Hindi ko po to kinuha napulot ko po to. *o sige ikaw na ikaw na! kaloka ka neng.
AKO- Taga saan ka saan mo napulot phone ko?
JEJEGiRL- Dito po sa may Esguerra
AKO-Panu yan napunta diyan? Di naman ako pumunta diyan? Taga saan kaba?
JEJEGIRL- Taga Andal po, Ay taga Esguerra pala.*fishy kayo ng tatay mo,che!
AKO- O sige, reward ko na yang phone o sayo ibalik mo lang sim ko.Dito kami nakatira sa tapat ng school. Ang gawin mo ibalot mo na lang sa bond paper yang sim ko o envelope tas iwan mo sa tapat namin.
JEJEGIRL- O sige po
AKO- Alam mo ba tong lugar namin?Please Miss kelangan ko talaga yang SIM ko na yan. Importante yan sa akin.
JEJEGIRL- Opo alam ko po kung saan kayo. Sige,bukas iiwan ko.
AKO- Sige, thank you ha. Aasahan ko yan.

At nakuha pa nga niya kong itext gamit ang load ko. Text na lalong nagpasakit sa ulo ko. "OWKHIE PWHO.PHWRAMIS PWHO etc..."( Shit! Asayo na nga papahirapan mo pa ko magbasa! Anu ba.!)Nakalagay din sa text  na makikipag meet na lang daw sila *di ko na tinype dahil parusa siya itype at basahin.* Siyempre i refused mamaya kung anu pang gawin nila sa akin wala pa namang boylet dito sa bahay. So sinabi ko yung pinagusapan na lang namin na iiwan niya sa tapat yun ang mas makakabuti. And ayoko siyang/silang  makita. Di ko alam kung bakit basta ayoko.
                                         
Nalulunkot ako dahil sinabi niya na ibabalik niya yun SIM ko chuchuchuchuchuchu..... Naghintay ako nung kinabukasan dahil umaasa ako na may mababait pang tao pag dating sa mga ganyang bagay. Yun pala wala na talaga. Isa pala siyang dakilang jejegirl na magaling magDRAWING. So nag decide ako na pumunta na sa abogado para mag pagawa ng Affidavit of Loss. Bukod sa kailangan daw yun para maipa block ang SIM at makakuha ulit ng ganung number. Kailangan ko din ito para sa safety ko at ng mga bagets ko, pang contact kay Shano Gibbs at sa mga bagay bagay lalo na't ginagamit niya pa yun phone ko nung mga panahong yun.

Holiday nung araw na yun halos lahat ng establishments sarado. May dalawa namang bukas isang Attorney at Law ek-ek at Notary churva. Dun ako pumunta sa Attorney at Law kahit lam kong di ko dapat dun pumunta. Tinatamad kasi akong umakyat ng building para sa Notary churva. Kung minamalas ka nga naman wala si Mr.Abogado sa opisina niya pero etong si ateng secretary na parang napadaan lang ng opis eh nagprisinta pa din na gumawa ng Affidavit. Gusto kong tirisiin si ateng secretary dahil wala na nga sa hulog ang utak ko nung araw na yun nakuha pa niyang ako ang pag isipin ng ilalagay niya sa tinatype niya. Kumusta naman yon di ba? Pero inpernes nahalata niya siguro na badtrip na ko at nahiya naman siya siguro sa ginawa niya *malamang eh parang nakigamit lang ako ng computer at pinatype lang sa iba yun mga ilalagay*.  Hindi na niya o siningil ng mahal 20php lang para sa 3 long bond paper na naiprint niya. Saka ko dinala yun Affidavit sa Notary churva oh di ba tanga lang talaga.*Sorry disoriented talaga ko that time*

Pagkadating ko sa Smart Wireless Center, i presented my affidavit. Kulang pa daw ang requirements ko*SHiTNESS to the highest level ang pakiramdam* Ang kailangan ko daw i-present ay ang mga sumusunod......

VALID I.D- check!
AFFIDAVIT OF LOSS- check!
SIM CASING, P.U.K CHURVA, SMART MONEY EK-EK(kahit isa diyan)- FAILED
*WTF wala na ko niyan na ONDOY na 8 years ko na yan haller!!!*

Ginamit ko na ang aking pagiging master debater pagtading sa mga bagay bagay. Pati pagiging drama queen ko ginamit ko. Yes, para lang naman akong tanga na iniyakan ang SIM card ko at  nagyon ko lang napag isip isip na nakakahiya pala ang ginawa ko. Ang dami pa namang nanonood. Mwahahahaha, di bale nakuha ko naman sympahty nung mga fans ko. Pati sharp tongue ko ginamit ko pero di talaga umubra kasi yun daw ang hinihingi ng punyetang NTC para daw maipa block at mapalitan yun SIM. Kasehodang yan pa number mo nung virgin ka pa, number mo sa I.D mo, sa I.D ng mga anak mo, sa opisina ng asawa mo, sa mga business contacts mo, sa nanay,tatay,kapatid kamag-anakan at friends mo, o kahit anu pang katibayan mo na sayo yun PAKING SHET na SIM CARD na yun, di pa din DAW sapat yun na dahilan para masabing number mo yun. Sa kasamaang palad mga postpaid users lang daw pala ang madali maipa block at makakuha ulit ang number pag ganun yun nangyari.Sorry naman poor lang! At umuwi na lang ako ng luhaan at talunan sa debate at sa best actress award.




*Hanggang ngayon may time na napapa ring ko pa din ang  number ko. Di naman maasyado makapal muka nila di ba?
*Di ko na nakita ulit si  Toto Mangundadatu sa paradahan after that incident.
*At buti nalang wala akong scandal dun sa cellphone,char!BOW!





|GOD is still GOOD to me|

6/09/2011

Birthday ko na parang di ko birthday.

Almost 1 week na pala ang nakalipas nung akoy nagbirthday. Kung ire-rate ko ito from 1 to 10 5 lang ang ibibigay kong score. 

**Bago mag a-trena ng Mayo araw ng hatchday ko namatay ang lolo ko, si Tito Rod kapatid na lalaki ng lola ko. Di marangya ang buhay nila di tulad ng iba. 6 am yun ng may 29 sa buong buhay ko 1st time ko nakakita ng ganung scenario.Si tito Rod na nakikita ko palagi sa pintuan nila na nagyoyosi tuwing umaga naka fetal position habang sumusuka ng dugo. Habang yung asawa't anak niya di magkanda ugagaga kung anu bang gagawin. Di na namin siya mabuhat dahil dead weight na.Sabi nila ganun na daw pag malapit na mamatay. 

10am
Mudra: kuhaan mo nga ng pulse rate si tito rod, tignan mo kung okay na....

Ako: opo..**** kuhaan mo daw ng pulse rate si tito Rod

****: ikaw na. ikaw inutusan di ba? 

Ako: HEHEHEHE
     
Ako lang tao nung mga panahong yun sa tabi niya.Yung anak niya umakyat sa kwarto nila si wifey nag jingambels at si doter naliligo. Hawak hawak ko siya sa may bandang pulso niya. Ang bilis bilis ng pulse rate niya per minute tapos biglang bumagal nawala sumulpot nawala..Bigla niya hinila bahagya ang buong arms niya papalayo sa akin. Kung nung una naka side view siya nun oras na yun inayos niya yun ulo niya para dumeretso tas i called out his name bahagya dumilat mga mata niya at na surprise ako. So tinawag ko ulit name niya. Sumagot naman siya.Di ko lang nainitindihan kung anung sinabi niya. Habang hawak hawak ko siya sa may bandang pulse huminga siya ng tatlong huling hinga. @!$@* patay na si tito Rod...............

First time ko naka encounter ng ganun. Kasabay ng pag hagulgol ng asawa't anak  niya ang pag tulo ng luha ko.Bigla kong naisip na di matutuloy ang birthday sopas ko.CHOS! Bigla kong naisip kung panu kung kami yung asa ganung situation.Hanggang nagyon di pa din ako maka get over. Nakakalunkot siya inpernes.

Bigla siyang naging lesson nanaman sa akin. Naisip ko birthday gift siya sa akin ni God.Di yung pagkamatay ni tito Rod ha kundi yung experience.Ganun lang pala kadali ang buhay so dapat i enjoy mo habang buhay ka pa alangan namang i enjoy mo ng patay ka na?Dapat din pahalagahan mo yung mga taong nakapaligid sayo di naman nakamamatay ang pagsabi siguro kung ganu mo sila kamahal at gano mo napahahalagahan yung mag ginagawa nila para sayo kealn mo sasabihin yun pag wala na sila sayo? At matuto mag pahalaga at magpasalamat sa maliit man o malaking blessings ni papa GOD.Nagiging madalas ang pag rereklamo ko sa buhay pero di ko naiisip yung iba na mas may mahirap pa na iniinda kesa sa akin tulad na lang ng pamilya ni Tito Rod at nung iba na mas may mabigat pang dindla kesa sa akin.Sorry po Lord nagsabog kayo ng pagkareklamador patulog pa lang ako..


Di ko na ikwekwento kung anu nangyari nung eksaktong hatchday ko dahil it sucks! Oooppsss... Heniways....




Sa lahat ng nag greet dito ko natats.Pinaalala niya ang pag loka loka ko 11 years ago=D






O_o




4/05/2011

The story of us #2: "One day, someone asked me and it made me think"





What part of your life would you want to change? someone asked me…and it made me think for awhile..(hello..beauty contest ba ito?whatta question girl.)

Maybe life is not always as we want it to be…i said.. and there are times we wish we could live our lives in a different way..but in retrospect..and with the acceptance of happening in my life there's nothing I would want to change…despite the toll of mistakes (god knows that),,all the emotional high and lows that i have encountered (with shane  of course),, the decisions and indecision impulsively made,,even if the bad things that i have done outnumbered the goods(hehe..)..i would never exchange that for anything in this world…i have my family with me..my loving husband…my wonderful and bright kids(kahit na super kulet sila)…to smile and exchange laughter with them is priceless..my family keeps me grounded..i am very proud that i am blessed with a beautiful family..so why change something??

oha....panalo na ba ko sa answer ko

“GOD FOREKNEW MY LIFE AND ALLOWED THE MISTAKES..CAUSE HE ALWAYS PLANS THE BEST THINGS FOR US”

ang lagi naming linya at the end of the day…”willing pa din ako pag daanan uli yung mga hirap at sacrifices na pinagdaanan natin dati..basta ikaw pa din yung kasama ko bandang huli-...”-shane&joy
















3/21/2011

Perstaymer

It was my first time to experience PASYON. At first i was a  bit shy (waahhh shy daw oh ayaw ngang bitiwan ang mic.=D) chanting verses from the narrative book  because it can be heard all over the place..LITERALLY!

It´s all about the Passion,death and resurrection of  our dear Jesus Christ

It´s a yearly occasion / celebration during Lenten season here in Nueva Ecija..
It was held last March 12 and 13 at Lola Sabel´s place



TUGS TUGS TUGS TUGS, UYEAH, DANCE MY LITTLE ONES! GANYANG GANYAN DIN KABIBA SI TITA NUN BATA...HOW BIMBASTIC=D
SINO NGA ULIT SA KANILA SI SAM AT SOPHIE?????? 
                        Warm up daw o! Talagang kinarir ang pagbasa,naman opkors.. Plastik ka erik!hahahaha..Alam ko nininerbiyos ka that time dahil andiyan si Mr.Nogoy


Indeed it was a great experience for a first timer like me.. Im looking forward to do it again next season=)
RJay let´s do it again! Feeling ko bumait ako.CHAR!











3/19/2011

°_°

Cockroaches and Joy means trouble. It´s either you hear me scream with matching palpitations=) or see flying slippers all over the place..suicidal din sila..tsk,,tsk,,kung san ka pupunta para umiwas dun pa sila tatakbo...ggrrrrrr...hanep din sa taktik! okay lang madedo makapndiri lang...ewwwww...kainis!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...