Magkaroon ng jump shot picture sa Batanes. Bakit? Wala lang gusto ko lang
At bago magka jump shot syempre sana makarating muna ako ng Batanes. Bakit? Kasi napaka ganda ng lugar virgin na virgin sa mga tourista.
Magtatatakbo sa Batanes na parang nakawala sa kural. Bakit? Syempre minsan lang yun pag nagkataon so lulubusin ko na with matching sigaw pang patanggal ng stress.
Matutong mag-surf. Bakit? Taga Sf,La union ako malapit kami sa dagat lagi naman ako nakakaligo pero gusto ko kasi i-conquer yung fear sa malalaking alon.
Magkaron ng sariling mountain bike.Bakit? Kasi pag nag babike ako dun ako nakakapag reflect. Feel na feel ko un effect ng pag dampi ng hangin sa buhok ko.char. At para
Magpapayat na din. Bakit? Obviously mataba ako di tulad ng dati na para akong adik sa kapayatan.
Tikman ang lasa ng snow.Bakit? Wala curious lang..baka masarap gawing halo-halo eh. : )
Mag mountain climbing. Bakit? Mmmm..wala gusto ko lang din..Gusto ko makita ang kagandahan ng kalikasan na unti-unting ng nasisira dahil sa pagsasamantala natin.
Magpa tattoo.Bakit? Pangarap kong maging tattoo artist marunong naman ako magdrowing pero malabo pa sa sikat ng araw na mangyari yun kaya ako nalang ang magpapadrowing.
Kumain sa isang mamahaling restaurant.Bakit? Gusto ko ma experience maging donya bakit ba.hehehe..Yun tipong ang ibabayad mo pagdating ng bill eh sweldo na ng isang minimum wage earner sa isang buwan.
Mameet si Alanis,Bruno at si Mark Abaya.Bakit? Gusto ko lang sabihin sa kanila na kung gaano sila kagaling. At sino ba naman di gusto makita sa personal ang matagal mo nang mga hinahahangaan.
Sumakay sa Rollercoaster. Bakit? Dahil di pa ko nakakasakay at kahit ata bigyan mo ko ng 1million di mo ko mapapsakay..hohohohoho..2M try ko.Kaso baka pag baba ko dedbol na ko.
Mag-cruise kasama ang labidabs at mga bagets. Bakit? Para bonding at para mahilo.hehehehe
Magkaroong ng bagong Laptop. Bakit? Basta kapartner niya yun SLR dapat.
Magshopping, yung unlimited.Bakit? Sinu bang di nangarap ng ganito? Yung kahit gaano kamahal kahit lahat ng colors ng sapatos pwede mo bilihin.
Umeskapo ng 1 day sa isang remote island ng mag-isa.Bakit? Gusto ko lang magisa.Di ko na i- elaborate showbiz ako. Next time na lang.
Tumambay sa Roxas Blvd. magdamag kasama si ex-bf (a.k.a husband). Bakit? Gusto ko makita ang paglubog ng araw. Heart to heart talk na din. Sabay kape sa umaga sabay tulog pag-uwi. Pupuyatin lang ba namin yun sarili namin yung tipong ganun.
Matuto magmake-up at maging vain.Bakit? Kasi nga lipistik lang alam ko ilagay sa muka ko at pangpapula ng pisngi. Feeling ko nga babae na ko ngayon kasi nagkaron na ko ng pressed powder. Agen nag paulan si God ng kaartehan sa katawan di ako ngpaambon. Pero nung nagpaulan ng fats kuntodo paulan ako.hehehe
Mag scuba dive.Bakit? Sawa na ko dito sa lupa ayoko naman sa heaven. Eh di sa underwater na lang di ba? Gusto ko pati makakita ng makukulay na isda.
Magkaron ng bahay.Bakit? Kasi wala pa kaming sariling bahay kaya nga gusto ko di ba??Kahit maliit lang basta masaya kaming pamilya.
Makapag pilgrimage sa Europa. Bakit?Spiritual journey ito. Babait ako ng konti nakapasyal pa ko
Bumili ng VW 1967 at GSR. Bakit? Nagagandahan kasi ako sa VW ewan ko kung bakit. Kung magkakaron man ako nito pagagandahin ko to ng bongga! GSR din kasi ang angas ng dating para sa akin. At child friendly po sila kasi 2 lang ang pinto safe ang mag bagets ko sa likod ng karu. Di ako mag-iisp na baka mahulog sila.
Makagawa ng sariling Recipe. Bakit? Sympre para ako lang may alam ng luto na yun.At sa akin lang pwede makain yun at matikaman..Parang double meaning.bwahahaha..
Mag-aral at matuto ng pananahi. Bakit? Di naman ako fashionista pero bukod sa size ko hirap ko talagang ma-appreciate yung mga mangilan-ngilang damit sa malls.
Beach wedding. Bakit? Bakit nga ba. Gusto ko lang ikasal ulit. Yung alam ko na ikakasal ako sa araw na yun. Hindi yung surprise wedding na tulad ng nangyari sa akin..(Pero sweet naman inpernes, maitype nga next time)
Mapatapos at makitang matapos ang mga bagets ko. Bakit? Sinu bang di may gusto mangyari to? Matagal tagal pa hehehe excited much?
Ang dami ko palang gusto,pangarap o kung anu mang tawag sa ganyan.. Dami ko pa di nailalagay. Yung iba di ko pwede ilagay for some reasons.Basta yan muna sa ngayon. Sana may magawa ako diyan kahit isa bawat taon.