Showing posts with label bitter much. Show all posts
Showing posts with label bitter much. Show all posts

11/07/2011

*Pag mataba baboy na agad? Di ba pwedeng chubby muna?*

Dati rati kahit ganito ko kataba di ako naiilang na maki salamuha sa mga tao, specifically sa mga get-together ng mga kamag anakan ko. Pero ngayon hindi na, as much as possible ayoko na magsasama sama sa mga birthday parties etc... Kasi nakakasawa na dahil bago mo pa malunok yung handa nila o bago pa sumayad yung noo mo sa pag mamano masasabihan at makarinig ka na ng mga salitang mataba, ang taba-taba, grabe anong nangyari sayo,anlaki mo, bakit ganyan, ang baboy?? 


 Oo aminado naman akong mataba ako nag gain ako ng 20 ek-ek simula nung virgin pa ko pero di naman pang biggest loser ang timbang ko. Okay lang naman na sabihan nila ko ng mga ganun keri naman maano pa't naimbento ang salitang plastik pero utang na loob naman wag naman sanang kada magkikita yun agad ang sasabihin. Shet paulit ulit!? Feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa kanila dahil sa pag gain ko ng timbang samantalang sila nga eh para namang buntis sa laki ng mga puson. Anu beh! Kung sinu pa yung MGA chakabelles sila pa yung bongga lumait sa katawang lupa ko. I really feel bad about it nakaka degrade!

Paminsan sinasagot ko din yung mga banat nila, sa isip ko nga lang. Pinipigilan ko pa din naman yun sarili ko na maging taklesa tulad nila.. Eto ang ilan sa mga sinasabi kong nakaka sawa na, nakaka-insulto pa.....

#1
Tita Marge: Grabe ang taba mo pa din.
Ako na mataba: Grabe ba't ag pangit mo pa din? Kamuka mo pa din si Mrs.Simpson. *pero syempre di pwede sabihin sa isip ko lang Pero malay mo malapit na para matigil na siya* Ah kasi po pro RH bill ako malas lang po na hiyang di na nakabawi. 

#2
May parlor games sa MCDO di naman ako sumasali pinipilit lang ako ng host at tong si the**** humirit ng
Mahiya ka nga ang laki laki mo sasali ka pa diyan kapal ng mukha.. Sabi ko nga bawal na bang sumali ang matabang tulad ko. Basagan lang ng trip.At syempre bilang tahimik na nilalang di ako sumagot,kunwari wala nalang akong narinig kahit rinig na rinig ito sa buong function hall.Shet lang ang pakiramdam nakaka iyak, nakakawala ng spirit chos!.


#3
Feelingerong Frog: Ayos ah para kang napabayaan sa kusina ah!
Ako na mataba: Ay, sorry naman madami kasi akong pambili ng foods eh..* Pag tag hirap na tol sinasabi ko sayo patay ka kaagad sa gutom dahil sa kapayatan mo ako pasexy pa lang.*


#4
Boylet: Bakit tumaba ka ng gusto?
Ako na mataba: Bakit tumaba ako ng husto?
Boylet: Uu, hello inulit mo lang? Nanay na nanay ka na. Anong nangyari? Grabe ang taba mo..i hope you're not offended ha mare.
Ako na mataba: ..................................


#5
The ****:  Anu ba yang ang hilig hilig magpagabi ni cheverloo alam ng mahirap yung panahon ngayon madaming loko loko!
Ako na mataba: Ok lang po yun may police naman sa may sakayan. Bakit po ako ilang beses na ginagabi ok naman?
The **** : Ikaw yun eh mataba ka eh.
Ako na  mataba: *this time diko napigilan yung bunganga ko* Ano! porket mataba na di na pwedeng maholdap o mabiktima ng mga loko loko diyan? Ang ganda ko kaya ang kinis ko pa!




Hiskul- Kasalukuyang di pa uso ang pagkain.  Kasalukuyang napagkakamalang akong adik.

Bequethal- Kasalukuyang di pa din uso ang pagkain. 32-25-33
and so on...

Hays, madalas di ko na din alam isasagot ko sa mga tanong na yan at sa mga pinagsasabi nila. Positive na lang siguro mas nakaka offend lalo siguro pag sinsabi niya sa akin yan (lalo na ni #4) tapos wala pa akong 3 anak. Di ko naman siguro kasalanan na malaki ang bone structures ko asa genes eh therefore kasalan yung ng mga magulang ko*joke!*. Salamat nalang po Papa God dahil 5'6 ang height ko di ako nagmukang mojako. Salamt na din po at may the looks ako kahit  papano di man kagandahan di naman po kapangitan. Salamat na din po sa skin na binigay niyo kasi super smooth. Salamat po lalo sa asawa kong inlab na inlab pa din sa akin kahit di na ko sexy at sa mga anak ko pong bright na bright sa school. Mmmmmm...Pero nalulunkot talaga ako. Tuluyan nang nawala ang natatangi kong confidence. Siguro naman masaya na sila=(


Yun lang bow!


9/10/2011

BAKIT MO KO INIWAN?

Madaming ka SHiTAN ang nangyari sa akin nitong nakaraang buwan isa sa mga highlights nito ang pagkawala ng isa sa pinaka importanteng parte ng buhay ko sa loob ng 8 years. Sobrang di pa din ako maka get-over  hanggang ngayon. Kahit sino naman siguro di ganun kadali basta basta kalimutan na lang ang pinagsamahan. Lalo na't nakasama ko siya at my lowest ebb and sa mga pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko.

Add caption
 Opo, isa po akong dakilang tanga. Di pala biro ang pagiging tanga. Pwede namang maglakad bat nakuha ko pang mag-tricycle?Pwede namang iwan yung phone bakit ko pa dinala? Pwede naman hindi muna ibalik yun kelangan ibalik bakit ko agad binalik? Tan ang paulit ulit na pumapasok at naglalaro sa utak ko hanggang ngayon. Hay!

Nung confirmed na nawawala  si Sammy the Samsung  agad agad akong  nag marathon papuntang paradahan ng tricycle, hoping and praying na makita ko dun si Mangundadatu (kamuka niya talaga kasi si Mangundadatu) at di naman binigo ni Lord yun prayers ko. Yun nga lang wala daw siyang nakita na phone sa tricycle. !@#$%^&i *(Imposible di butas ang bulsa ko para mahulog ito ng nakatayo ako!) Sa pagkakataong to lahat na ata ng mura sinabi ko, (sa sarili ko lang). Parang gumuho ang mundo ko,gumuho talaga*slight. Tinawagan ko ito gamit ang phone ng lola ko. Super bonggang ring pa din siya pero di na sinasagot. Tinadtad ko ng text ang sarili kong phone na nagsasabing kanya na yung phone ibalik lang niya yun SIM ko. Actually nga nung kinagabihan na contact ko pa ang sarili kong number,girlash ang sumagot.

AKO- Hello, Please naman oh ikaw ba nakakuha ng Cellphone ko?
JEJEGIRL- Hindi ko po to kinuha napulot ko po to. *o sige ikaw na ikaw na! kaloka ka neng.
AKO- Taga saan ka saan mo napulot phone ko?
JEJEGiRL- Dito po sa may Esguerra
AKO-Panu yan napunta diyan? Di naman ako pumunta diyan? Taga saan kaba?
JEJEGIRL- Taga Andal po, Ay taga Esguerra pala.*fishy kayo ng tatay mo,che!
AKO- O sige, reward ko na yang phone o sayo ibalik mo lang sim ko.Dito kami nakatira sa tapat ng school. Ang gawin mo ibalot mo na lang sa bond paper yang sim ko o envelope tas iwan mo sa tapat namin.
JEJEGIRL- O sige po
AKO- Alam mo ba tong lugar namin?Please Miss kelangan ko talaga yang SIM ko na yan. Importante yan sa akin.
JEJEGIRL- Opo alam ko po kung saan kayo. Sige,bukas iiwan ko.
AKO- Sige, thank you ha. Aasahan ko yan.

At nakuha pa nga niya kong itext gamit ang load ko. Text na lalong nagpasakit sa ulo ko. "OWKHIE PWHO.PHWRAMIS PWHO etc..."( Shit! Asayo na nga papahirapan mo pa ko magbasa! Anu ba.!)Nakalagay din sa text  na makikipag meet na lang daw sila *di ko na tinype dahil parusa siya itype at basahin.* Siyempre i refused mamaya kung anu pang gawin nila sa akin wala pa namang boylet dito sa bahay. So sinabi ko yung pinagusapan na lang namin na iiwan niya sa tapat yun ang mas makakabuti. And ayoko siyang/silang  makita. Di ko alam kung bakit basta ayoko.
                                         
Nalulunkot ako dahil sinabi niya na ibabalik niya yun SIM ko chuchuchuchuchuchu..... Naghintay ako nung kinabukasan dahil umaasa ako na may mababait pang tao pag dating sa mga ganyang bagay. Yun pala wala na talaga. Isa pala siyang dakilang jejegirl na magaling magDRAWING. So nag decide ako na pumunta na sa abogado para mag pagawa ng Affidavit of Loss. Bukod sa kailangan daw yun para maipa block ang SIM at makakuha ulit ng ganung number. Kailangan ko din ito para sa safety ko at ng mga bagets ko, pang contact kay Shano Gibbs at sa mga bagay bagay lalo na't ginagamit niya pa yun phone ko nung mga panahong yun.

Holiday nung araw na yun halos lahat ng establishments sarado. May dalawa namang bukas isang Attorney at Law ek-ek at Notary churva. Dun ako pumunta sa Attorney at Law kahit lam kong di ko dapat dun pumunta. Tinatamad kasi akong umakyat ng building para sa Notary churva. Kung minamalas ka nga naman wala si Mr.Abogado sa opisina niya pero etong si ateng secretary na parang napadaan lang ng opis eh nagprisinta pa din na gumawa ng Affidavit. Gusto kong tirisiin si ateng secretary dahil wala na nga sa hulog ang utak ko nung araw na yun nakuha pa niyang ako ang pag isipin ng ilalagay niya sa tinatype niya. Kumusta naman yon di ba? Pero inpernes nahalata niya siguro na badtrip na ko at nahiya naman siya siguro sa ginawa niya *malamang eh parang nakigamit lang ako ng computer at pinatype lang sa iba yun mga ilalagay*.  Hindi na niya o siningil ng mahal 20php lang para sa 3 long bond paper na naiprint niya. Saka ko dinala yun Affidavit sa Notary churva oh di ba tanga lang talaga.*Sorry disoriented talaga ko that time*

Pagkadating ko sa Smart Wireless Center, i presented my affidavit. Kulang pa daw ang requirements ko*SHiTNESS to the highest level ang pakiramdam* Ang kailangan ko daw i-present ay ang mga sumusunod......

VALID I.D- check!
AFFIDAVIT OF LOSS- check!
SIM CASING, P.U.K CHURVA, SMART MONEY EK-EK(kahit isa diyan)- FAILED
*WTF wala na ko niyan na ONDOY na 8 years ko na yan haller!!!*

Ginamit ko na ang aking pagiging master debater pagtading sa mga bagay bagay. Pati pagiging drama queen ko ginamit ko. Yes, para lang naman akong tanga na iniyakan ang SIM card ko at  nagyon ko lang napag isip isip na nakakahiya pala ang ginawa ko. Ang dami pa namang nanonood. Mwahahahaha, di bale nakuha ko naman sympahty nung mga fans ko. Pati sharp tongue ko ginamit ko pero di talaga umubra kasi yun daw ang hinihingi ng punyetang NTC para daw maipa block at mapalitan yun SIM. Kasehodang yan pa number mo nung virgin ka pa, number mo sa I.D mo, sa I.D ng mga anak mo, sa opisina ng asawa mo, sa mga business contacts mo, sa nanay,tatay,kapatid kamag-anakan at friends mo, o kahit anu pang katibayan mo na sayo yun PAKING SHET na SIM CARD na yun, di pa din DAW sapat yun na dahilan para masabing number mo yun. Sa kasamaang palad mga postpaid users lang daw pala ang madali maipa block at makakuha ulit ang number pag ganun yun nangyari.Sorry naman poor lang! At umuwi na lang ako ng luhaan at talunan sa debate at sa best actress award.




*Hanggang ngayon may time na napapa ring ko pa din ang  number ko. Di naman maasyado makapal muka nila di ba?
*Di ko na nakita ulit si  Toto Mangundadatu sa paradahan after that incident.
*At buti nalang wala akong scandal dun sa cellphone,char!BOW!





|GOD is still GOOD to me|

6/25/2011

Isuot mo para alam mo - 01 (dahil alam ko may number 2 pa)


Nitong mga nakaraang araw at linggo nakaranas ako ng manakanakang  ka imbyernahan  sa buhay.  Honestly naiinis pa di ako. Di talaga ko maka get-over!

Bakit kaya may mga taong di iniisip ang mga bagay na sinsabi nila? Yung tipong natuutuwa pa sila makapanira lang ng bait. Tapos ang sasabihhin lang sayo

Sorry maam JOKE lang yun! Natutuwa kasi ako sa expression ng muka niya pag ganun!ETC....Kagaguhan much!

At para sabihin ko sayo di mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko kaya nakaka windang talaga yang JOKE mo para sa akin. I dont want to be misconstrued here or misquoted. Sinasabi ko lang yun asa isip ko. Ilang araw mo lang naman akong di pinatulog at pinag mukang ewan. Siguro naman natuwa ka na kung anu mang purpose mo. I'm quite disappointed  kasi akala ko kaibgan ka niya. Kalalaki mo pa man ding tao.

Sino ka ba sa kanila?
JUSTIN BITTER O BITTER OCAMPO


Hay ewan, gusto kitang kalbuhin para magmuka kang bombilya.
O_o


Always put yourself in others' shoes. If you feel that it hurts you, it probably hurts the other person, too. ~ Unknown

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...