4/20/2011

Totoo ba o Hindi

SCENE1
LOCATION:Baguio
Pagkatapos namin sumakay ng boat sa Burnham park kasama ng aking kapatid at 2 pinsan dahil hinihintay namin ang isa naming  kapatid na nakaligtaan na makikipagkita pala siya sa amin, kami ay nag desisyon na na lumakad sa may banda kung saan merong masasakyang cab. Habang kami'y naglalakad, ngkwekwentuhan,nag pipikturan, meron biglang isang lalaking lumapit sa aming grupo. Nakangiti siyang lumapit sa amin at tinanong kung kami ay katoliko. Siyempre bilang isang anak ng diyos proud pa kaming sumagot saba'y sabay ng opo. Sabay labas niya ng isang bagay na may imahe ng iba't ibang mga santo.

MANONG: Nagsisismba ba kayo?
KAMI: opo
MANONG: eto may IBIBIGAY  ako sa inyo 
SIYEMPRE BIGAY DAW KAYA TUWANG TUWA NAMAN KAMI
AKO: ay anu po yan
MANONG: gawa to ng mga bata sa orphanage
KAMI: aH ganun po ba.
Manong: o eto tig iisa kayo, gawa nila yan blessed na yan
Kami: salamat po.
Manong: 50 lang isa
(huwaaaaaat????sabi niya kanina BIGAY?? ano to apat pa naman kami)
Ah ganun po ba?eh wala po kaming barya eh..
MANONG: sige 30 na lang
KAMI:(kamot ulo)




Scene2
LOCATION: San Fernando La union

Nangyari ito after ko makipag meet sa aking kaibigan dito sa province. Pagkababa na pagkababa namin sa kanilang kotse biglang may sumalubong sa amin ng mga bagets ko na isang studyante (ata) dahil pinakita pa niya ang kanyang I.D at sabay bigay  ng isang card na kasukat ng calling card na may imahe ni Mama Mary at ni Papa Jesus na Hologram ang dating. Napaisip na naman ako sa pagkakataong ito dahil sa nangyari sa amin nitong nakaraang Linggo lang.Aba pagkakataon nga naman.At 70 naman ang presyo. Sinubukan ko itong tanggihan ngunit ipinilit pa din sa akin. Siguro sa araw na yon dahil gabi na wala pa din siyang benta kaya binigay niya na sa mas mababang halaga. (photo not included)


Sa totoo lang malakas ang FAITH ko kay GOD. Di ko alam kung kasalanan ba na mapag isipan ng iba yung mga taong ito. Kung anu man ang pakay nila sana huwag na nilang gamitin yung nasa itaas. At kung ayaw bumili ng tao wag na nila ipilit at sana huwag na din sialng umamit ng statehiya na pag once andun ka na sa situation di ka na pwedeng humindi O kung anu man sana sabihin nalang nila yung totoo hindi yung gagawa pa sila ng kung anu- anung kwento. Nadismaya talaga ako sa pangyayaring yun di dahil nanghihinayang ako sa trenta at singkwenta na ibinyad ko kung di dahil naiinis ako sa mga taong nananamantala sa panginoon sana nga sa mabuti mapunta lahat yun.Mag mamahal na araw pa naman.



















4 comments:

Anonymous said...

Scene 1:
Ay andaming mga ganyan kahit na dito lang sa amin.. Sa tuwing kapistahan, merong mga naglilibot ng mga produkto na kuno ay gawa ng mga bata sa orphanage (kuno).. then akala ng iba, ibibigay lang.. yun pala, may bayad..a t medyo may kamahalan ang singil. Okay lang naman sana kapag ganun.. kung totoo mang gawa yun ng mga bata sa orphanage. Sa opinyon ko lang, sana nag set-up sila ng isang maliit na pwesto.. parang booth at dun sila magbenta ng mga products. at least hindi nalilito yung mga tao.. kasi like you nga, akala nyo bigay, eh binebenta pala.. hihi.. kontrabida ba ang labas ko? lol

Scene 2:
Ang mahal naman ng 70pesos.. yung hologram ba? nakabili na rin ako nyan dati way back.... 2004 siguro? di ko na matandaan.. pero it was only about 30pesos that time. Hmm.. nagmamahalan na lhat..

Sa nasabi ko sa scene 1, hindi natin masisisgurado kung yung mga produktong yun eh gawa nga ng mga bata sa orphanage.. or baka kuha-sympathy lang yun at ginagamit lang ang ideyang yun ng mga manlolokong tao. Nakakainis nga lang tlaga... pero andami nang mga taong ganyan sa world ngayon. Maging mapamatyag na lang tayo... :)

khantotantra said...

yung sa first scenario, strategy yan sa mga malapit sa simbahan. Never accept anything unless super duper confirmed na libre. nagoyo na ako nian noon sa isang simbahan.

carinamodella said...

just always be careful in negotiating with strangers...dami kasing budul budol gang e.

me and your tito frank together with our kids are also looking forward of seeing you and your family. hope we meet someday in the future.

regards to your family :)

mommyJunkie said...

@Leah- Di naman kontrabida ang labas mo..hehehe..Totoo naman kasi kaya nakakainis. Sa sususnod alam ko na. Kasi badtrip din ako..may ugali din kasi ako minsan na nahihiya tumanggi.Pero sa scene 2 Ngtry nag ko tanggihan pinilit pa din.Bahala na sa kanila si GOD at di ko pa naisama yung manong nanghihingi ng pambili ng DUGO sa red cross.Ininterview namin sablay sablay mga pingsasabi.

@Khanto-OO nga sabi niya kasi nuong una libre eh tas nun paalis na kami naningil ang mokong >:) At akalain mong tinuro pa niya yun cathedral.Kaya pala nakatingin yung mga tindera at tindero sa burnham.tsk!Pero lesson learned na=))

@ate carina- Now we know na po na ganun pala...
REgards po ulit!thanks=))

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...