Pero di tunkol sa holy week yung ishi- share ko. Naalala ko kasi tintatanung ako nga mga bagets ko kung saan ko sila pinaglihi.(dahil siguro sa wala na din silang ibang maisip na maikwento)Di ko nasagot ang kanilang katanungan kasi di ko alam kung alin sa mga pinagkakain ko sila pinaglihi sa katakawan ko ba naman noon.*hanggang ngayon
Dati marami na akong napanuod TV na pinag lihi daw un bata sa palaka, longganisa,manok, bibe,pusit at kung anu anu pang mga animals. Lalo na pag ang mga ito ay nakatira sa mga remote areas kung saan di na nila ikinokonsidera na pwedeng dahil ito sa nainom nilang gamot habang sila'y nagbubuntis o di kaya'y kulang sa nutrition ang ina habang sila ay nag dadalang tao.Hmmmm..Di napaka swerte naman pala ni Ara Mina dahil pinag lihi daw siya kay Sharon Cuneta? Eh bakit ako DI pinag lihi kay Judy Ann Santos pero kamuka ko daw si JUDAY sabi nila..
Eniway hi-way di hamak na mas mayaman siya sa akin pero shempre bilang ako. dahil ako may-ari ng blog nato at sarili ko to mas maganda ako sa kanya kahit hindi..Itaas ba sariling banko..hihihihi.. |
Ikaw saan ka pinaglihi?
"Be thankful for what you have; you'll end up having more. If you concentrate on what you don't have, you will never, ever have enough.-Oprah Winfrey"
4 comments:
hahaha!!! nakakatuwa ang article mo!
eh, sabi ng nanay ko sa talangka daw ako pinaglihi kase ang mga daliri ko ay hindi tuwid! LOL... buti na lang nga hindi ako patagilid lumakad! Sa mga anak ko naman, hindi ko rin matandaan sa dami ng ginusto kong kainin non.. personally hindi ako naniniwala sa lihi. siguro psychological na lang yung paglilihi tinatawag. exagg naman yung pag hindi daw pinagbigyan sa lihi papangit daw yung baby! hihihi! natural lang sa buntis ang matakaw.. part lang ng lambing yung inuutusan ang asawa na bilhin o kuhanin yung food na gusto nila!
Jannet,natawa naman ako dun sa "buti di ka patagilid maglakad"..hahahaha..Mga paniniwala nalang siguro ng mga matatanda yung sinasabing pag di napag bigyan papangit yun baby..kung asa genes asa genes..hehehe..saka yun pag kumain daw ng kamabal na saging kambal din yun anak at madami pang iba....Salamat at natuwa ka sa post ko..salamat sa pagbabasa
Saan nga ba ako pinaglihi? Teka, mag-iisip ako ng gwapong tao dito sa mundo. LOL.
Pero sabi ng ermat ko, pinaglihi nya daw ako dun sa kapitbahay namin dati. Maganda daw kasi ang mata nun.. hehehe. Kaya yun, beautiful eyes din ako...
Maraming salamat nga pala sa picture greeting. :)
Goyo, oo nga beautiful ang eyes mo..panalo..
Ako di ko alam kung saan ako ipinaglihi eh maitanong nga kay ermat..
Salamat sa pag follow, i didnt quite expect it.Ansaya.=)
Walang anuman next birthday mo ulit kung gusto mo.hehehe.
Post a Comment