Winnur ang Girlalu..Haba ng hurr. Sinu ba namang babae ang di mapapa OO sa ganito? Choosy ka pa kung tatanggi ka. At bongga din naman tong si kuya napaka brilliant ng ulo mind mo di naman halata na di mo siya ganun kamahal no?
Lahat naman ata ng girl nangangarap na ikasal. Yun iba gusto bongga yun tipong sa hongkong pa ang venue. Yung iba nman sa beach ang gusto kasabay ng paglubog ng araw. Yung iba sa simbahan yung tipong isang baranggay yung bisita lalo na pagdating sa reception, samantalang nung nasa simbahan, kayo lang nung ninong ninang at mga abay lang ang present. Meron ding garden at meron ding civil.
Walong taon na ang nakalipas nungkinidnap pinakasalan ako ng mister ko.*and yes batang bata and fresh na fresh pa kaming dalawa nun* Tulad din ng iba civil lang ako sinakal kinasal.Pero kahit sa civil lang naging memorable naman ito. Panu ba naman hindi eh kinasal ako ng di ko alam na ikakasal na ako nung araw na yun!!! Katulad din nitong si girlalu. Yun nga lang bonggang version yung kanya.=)
Walong taon na ang nakalipas nung
Tandang tanda ko pa 10:30 ng umaga yun ng September 27/02 sa iskul ko sa may bandang Pedro Gil kakatapos lang ng religion class ko nung akoy istupident pa. Biglang nagtext si Shano Gibbs, (tanda ko pa nga de antena pa yung cellphone ko noon, di pa nga uso ang unlitext at jejemeon.)tinatanong niya kung tapos na daw ba yung class ko at my pupuntahan kami..blah blah blah blah blah. Di sabi ko naman tapos na at asa labas nako nag aabang na ng masasakyan pauwi. So after nung text niya naghintay ako at aba naka cab ang Shano Gibbs iba ang arrive nito parang aatend ng binyagan with matching 2 alepores pa.Edi nagulat ako,shempre nagtanong ako kung bakit sila kasama at bakit naka pang simba siyang polo eh hindi naman Linggo. Sabi niya "basta tara sumama ka nalang may pupuntahan tayo".Di ako naman si uto-uto sumama. After ilang minuto ng katahimikan sa loob ng taxi sa Manila city hall pala ang destinasyon namin. Sa totoo lang kinakabahan ako ng mga panahong iyon di ko alam kung anu ba talagang gagawin kung bakit dun kami pumunta.Naisip ko pa nga na ang arte naman nito ni Shano Gibbs kukuha lang ng birth certificate naka japorms pa at nagsama pa ng papa-miryendahin.Di ko na idedetalye kung panu yung iba basta alam ko in an instant parang instant noodles lang, ayun na pala ang katapusan ng pagka singgol ko.Walang invited na relatives on both sides as in wala lahat. Shotgun kung shotgun.
Akalain mong may taga KODAK din sila. Nabadtrip ako sa totoo lang. Dahil di man lang nagpasabi para man lang nakapag dress ako, nakanampooch naka uniform lang kaya ako!!!! Di man lang ako nakapaglifistik,make-uff o Fowder!!! Ultimo pag sususklay na di ko talaga gawain di ko nagawa sa araw ng |
*Pangarap ko pa din ikasal sa simbahan o sa beach. Mag-iipon muna kami baka sa silver na lang kung di pa gunaw ang mundo. Siya nga pala ang reception namin eh naganap sa bubuyog fastfood.Sowsy di ba.
O_0