1/23/2012

Monasterio de Tarlac


Di ako relihiyosang tao (and i am not even close to one) . Pero tulad ng iba may sarili akong paraan kung pano ka makipag connect kay papa GOD na kaming dalawa lang ang may alam. Ooopsss nagsisismba naman ako pero di lang kasi ako yun tipong relihiyosang simba ng simba na di naman bukal sa loob yun ginagawa nila. Tapos yung tipong pagkatapos magsimba kung anu anu naman kabalbalan lumalabas sa bunganga. Madami akong kilalang ganyan. Bato bato sa langit ang tamaan ikaw na nga=) Sana lang po "PRACTICE WHAT YOU PREACH". Moving on.......


Gusto  ko lang ibahagi tong isa sa pinaka highlight na siguro ng 2012 ko, ang pagbisita namin ng aking pamilya sa MONASTERIO de TARLAC. Nung nakita ko ang lugar diko talaga maipaliwanag yung pakiramdam dahil nakaka iyak siya sa tuwa. Breaking the record pag nagjejebs ako pramis dahil ito na ata ang ang pinakamahabang goosebumps na naramdaman ko sa talang buhay ko. Basta di ko talaga maipaliwanag yung pakiramdam tapos yung feeling pa gusto mong sumigaw kasi asa tuktok ka na ng bundok, pero bawal dahil baka palayasin ka ng mga Monghang pari. Ah basta! feeling ko nabawasan ang mga kasalanan ko,charot!



The 30ft high statue of "THE RISEN CHRIST" Located at Mt. Resurrection Brgy. Lubigan, San Jose, Tarlac. 




Picture picture muna while waiting for the mass to start.




Ang kanilang cute na Chapel. Sa gitna ng altar nakalagay yung sinsabi nilang "RELIC OF THE TRUE CROSS"

Pila after the mass. Para makahawak dun sa RELIC OF THE TRUE CROSS.

The view


Travel tips lang..
-Masokay pag may dalang sasakyan dahil walang public transpo paakyat ng bundok
-Must travel early
-Bring foods 
-Panatilihin ang pagiging tahimik kahit ilang oras lang lalo na kung nature mo na talaga ang pagkamaingay
-Namnamin ang moment kaya magdala ng pangKodak.
-Pahabain ang pasensya dahil sa dami mong makikitang karatula na straight ahead...



mass schedules--->>CLICK HERE


"GOD SPEAKS TO US IN SILENCE"

BOW O_o

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...