5/24/2011

The story of us #4: "LDR ng 8months**paulit-ulit na cycle"







To the one who bears the sweetest name,
Salamat at pinasaya mo ko ngayong araw na to (dated 05.24.11). Parang  lumang bagong pakiramdam lang  ulit. Na di ko pagsasawaang maramdaman habang buhay. Kahit wala yung pamatay mong da moves okay lang nakita ko naman ang Derek Ramsay ng buhay ko. Di bale madami pa namang next time.
 Alam ko madami akong ka bruhahan sa buhay nitong nakaraang mga araw.Sorry naman, kasi nung nagsabog si God ng kabruhahan medyo patulog pa lang kasi ako.Di ko palaging sinsabi sayo to(tuwing may okasyon lang) sobrang thankful ako dahil ikaw yung napang asawa ko. Di man perpekto yung buhay natin pero yun yung kagandahan nun dahil yun imperfections natin sa buhay ang nagpapatatag sa atin. Medyo madami na tayong napagdaanan na di natin lubos maisip na malalagpasan natin. Sa totoo lang natatakot ako sa mala rollercoaster ride na problema pang darating sa atin. Sana sa mga dadating pang mga araw at taon tayo pa din ang magkasama kahit magkalayo tayo keri na yun basta alam kong andiyan ka para sa amin at mahal mo kami ng mga bata. Medyo asa baku-bakung daan tayo ngayon(*alam mo na yun).Sana kalaunan maging spalto naman kasi medyo nakakasakit na ng ulo pag baku-bako palagi yun daan.Pero kahit ganun pa man kahit na kasing tagal ng DPWH ang serbisyo basta alam kong dun tayo papunta sa spaltong daan na yun okay nako dun. Ako pa din naman yung dating echoserang exGF na nakilala mo. Ako pa din to yung taong marunong makuntento sa buhay kahit walang kagarbuhan sa katawan at kung sa anu-anong bagay.Ako pa din to yun taong mas gusto ng lab letter kesa mamahaling gamit galing sayo, yung taong mas trip ang hhww kesa sumakay ng sasakyan, yung taong mas trip kumain ng fishballs at isaw kay hot mama kesa kumain sa restaurant. Salamat sa pakikinig at pag-unawa sa kabruhahan ko.Salamat din sa unconditional na pagmamahal. Alam mo namang ikaw lang ang bestfriend ko sana di ka magsawa at mapagod, kahit na sa ibang bagay eh madali ka nang mapagod oks lang yun=D.Miss na miss na kita sobra. Ingatan mo sarili mo palagi para sa amin.Mahal na mahal kita sobra.









*marahil ikaw ay nagtatatka ok din pala pag tagalog ang lab letter. Ito ang pinaka una kong love letter na tagalized ng bonnga sana magustuhan mo hon.XOXO

5/18/2011

An ode to my COW-PANDA doodle and scribble pad a.k.a NOKBUK

.
I bought you because i thought you were a COW...
I am a bit dismayed when i found out that you are a  PANDA.. 
Honestly I really want to return you before coz you're way tooooooooooo SAAAAAAD..


YOU
reminded me of MYSELF..



Nevermind tho, let's just make each other
HAPPY






Thank you for always being around.
Thank you for letting me write and doodle into your world.
Thank you for listening though you can't hear me.
Thank you for understanding though i know you don't.
Thank you for being my temporary partner in crime(5more months nokbuk and i will let you REST for 3months)
Thank you for always seeing me better and for accepting every inch of ME..
Thru my PANGIT mode, GANDA mode, MALDITA mode, SAD mode, CHUBBY mode and everything..


♥____♥


 P.S
Im so sorry if sometimes i tear you,peace...
Alam ko makakabili pa din ako ng bago na katulad mo pero siyempre iba ka=) Ikaw ang una kong bespren na nokbuk. Kaya bibigyan na muna kita ng space para di tayo magkasawaan baka kasi maubos ka malunkot ako ng bongga medyo matagal tagal pa ang limang buwan...

5/06/2011

My BAKIT list

Ang mga sumusunod na mabababasa ay pawang mga panagrap na malabong matupad, kagustuhan kong gawin na di magawa-gawa at mga gustong sanang mangyari sa hinahaharap. Sana balang araw isa sa mga ito magawa ko o mangyari man lang............

Magkaroon ng jump shot picture sa Batanes. Bakit? Wala lang gusto ko lang

At bago magka jump shot syempre sana makarating muna ako ng Batanes. Bakit? Kasi napaka ganda ng lugar virgin na virgin sa mga tourista.

Magtatatakbo sa Batanes na parang nakawala sa kural. Bakit? Syempre minsan lang yun pag nagkataon so lulubusin ko na with matching sigaw pang patanggal ng stress.

Matutong mag-surf. Bakit? Taga Sf,La union ako malapit kami sa dagat lagi naman ako nakakaligo pero gusto ko kasi  i-conquer yung fear sa malalaking alon.

Magkaron ng sariling mountain bike.Bakit? Kasi pag nag babike ako dun ako nakakapag reflect. Feel na feel ko un effect ng pag dampi ng hangin sa buhok ko.char. At para

Magpapayat na din. Bakit? Obviously mataba ako di tulad ng dati na para akong adik sa kapayatan.

Tikman ang lasa ng snow.Bakit? Wala curious lang..baka masarap gawing halo-halo eh. : )


Mag mountain climbing. Bakit? Mmmm..wala gusto ko lang din..Gusto ko makita ang kagandahan ng  kalikasan na unti-unting ng nasisira dahil sa pagsasamantala  natin.


Magpa tattoo.Bakit?  Pangarap kong maging tattoo artist marunong naman ako magdrowing pero malabo pa sa sikat ng araw na mangyari yun kaya ako nalang ang magpapadrowing.


Kumain sa isang mamahaling restaurant.Bakit? Gusto ko ma experience maging donya bakit ba.hehehe..Yun tipong ang ibabayad mo pagdating ng bill eh sweldo na ng isang minimum wage earner sa isang buwan.


Mameet si Alanis,Bruno at si Mark Abaya.Bakit? Gusto ko lang sabihin sa kanila na kung gaano sila kagaling. At sino ba naman di gusto makita sa personal ang matagal mo nang mga hinahahangaan.


Sumakay sa Rollercoaster. Bakit? Dahil di pa ko nakakasakay at kahit ata bigyan mo ko ng 1million di mo ko mapapsakay..hohohohoho..2M try ko.Kaso baka pag baba ko dedbol na ko.


Mag-cruise kasama ang labidabs at mga bagets. Bakit? Para bonding at para mahilo.hehehehe


Magka DSLR. Bakit? May gagawin ako. Yoko muna ipagsabi.


Magkaroong ng bagong Laptop. Bakit? Basta kapartner niya yun SLR dapat.


Bumili ng Cellphone.Bakit? Kasi matagal na kong di bumibili at kahit pupugak pugak at gusto na bumigay ng mga pakners in crime ko ayaw ko pa in sila i-let go. Nung ng shower kasi si God ng pagkamaluho kahit ng nagpaambon di ko ginawa.


Magshopping, yung unlimited.Bakit? Sinu bang di nangarap ng ganito? Yung kahit gaano kamahal kahit lahat ng colors ng sapatos pwede mo bilihin.


Umeskapo ng 1 day sa isang remote island ng mag-isa.Bakit? Gusto ko lang magisa.Di ko na i- elaborate showbiz ako.  Next time na lang.


Tumambay sa Roxas Blvd. magdamag kasama si ex-bf (a.k.a husband). Bakit? Gusto ko makita ang paglubog ng araw. Heart to heart talk na din. Sabay kape sa umaga sabay tulog pag-uwi. Pupuyatin lang ba namin yun sarili namin yung tipong ganun.


Matuto magmake-up at maging vain.Bakit? Kasi nga lipistik lang alam ko ilagay sa muka ko at yung pangpapula ng pisngi. Feeling ko nga babae na ko ngyaon kasi nagkaron na ko ng pressed powder. Agen nag paulan si God ng kaartehan sa katawan di ako ngpaambon. Pero nung nagpaulan ng fats kuntodo paulan ako.hehehe

Mag scuba dive.Bakit? Sawa na ko dito sa lupa ayoko naman sa heaven. Eh di sa underwater na lang di ba? Gusto ko pati makakita ng makukulay na isda. 

Magkaron ng bahay.Bakit? Kasi wala pa kaming sariling bahay kaya nga gusto ko di ba??Kahit maliit lang basta masaya kaming pamilya.

Makapag pilgrimage sa Europa. Bakit?Spiritual journey ito. Babait ako ng konti nakapasyal pa ko

Bumili ng VW 1967 at  GSR. Bakit? Nagagandahan kasi ako sa VW ewan ko kung bakit. Kung magkakaron man ako nito pagagandahin ko to ng  bongga! GSR din kasi ang angas ng dating para sa akin. At child friendly po sila kasi 2 lang ang pinto safe ang mag bagets ko sa likod ng karu. Di ako mag-iisp na baka mahulog sila.


Magbayad ng grinosery ng isang di kakilala.Bakit? Para may good deed naman ako kahit isa..joke..wala gusto ko lang gawin.

Makagawa ng sariling Recipe. Bakit? Sympre para ako lang may alam ng luto na yun.At sa akin lang pwede makain yun at matikaman..Parang double meaning.bwahahaha..

Beach wedding. Bakit? Bakit nga ba. Gusto ko lang ikasal ulit. Yung alam ko na ikakasal ako sa araw na yun. Hindi yung surprise wedding na tulad ng nangyari sa akin..(Pero sweet naman inpernes, maitype nga next time)

Mapatapos at makitang matapos ang mga bagets ko. Bakit? Sinu bang di may gusto mangyari to? Matagal tagal pa hehehe excited much?

Magka family picture na kuha ng isang propesyonal na taga kodak. Bakit? Para pwede ipako sa dingding.hehehe..Di kasi kami laging magkakasama. Buo naman kaming pamilya yung panaganay ko kasi lumaki na kay mama. Yung ex-boyfriend(a.k.a my husband) ko naman nagtratrabaho para sa amin  sa malayong  lugar kaya dapat i-seize  ang moment di ba.



Ang dami ko palang gusto,pangarap o kung anu mang tawag sa ganyan.. Dami ko pa di nailalagay. Yung iba di ko pwede ilagay for some reasons.Basta yan muna sa ngayon. Sana may magawa ako diyan kahit isa bawat taon.



joy-full

5/04/2011

Ikaw saan ka ipinaglihi?

Kakatapos lang ng holy week. Dati rati nung bata pa kami ang dami daming bawal pag sumasapit ang isang buong linggong ito. Tulad ng bawal tumawa, bawal maging masaya so dapat serious mode lahat, tas sabi pa ng mga nakakatanda dika dapat masugat ng ganitong araw dahil matatagalan daw ito bago gumaling. Meron pa yung pag ligo bago mag alas-tres ng hapon dahil mamatay na daw si Jesus kaya bawal na (which is hanggang ngayon eh di ko mai-connect kung bakit bawal maligo after 3. )Pero ganun pa man nasanay na din kami sa mga ganitong pamamaraan at pag respeto sa kung anu man ang nakagawiian.


Pero di tunkol sa holy week yung ishi- share ko. Naalala ko kasi tintatanung ako nga mga bagets ko kung saan ko sila pinaglihi.(dahil siguro sa wala na din silang ibang maisip na maikwento)Di ko nasagot ang kanilang katanungan kasi di ko alam kung alin sa mga pinagkakain ko sila pinaglihi sa katakawan ko ba naman noon.*hanggang ngayon


Dati marami na akong napanuod TV na pinag lihi daw un bata sa palaka, longganisa,manok, bibe,pusit at kung anu anu pang mga animals. Lalo na pag ang mga ito ay nakatira sa mga remote areas kung saan di na nila ikinokonsidera na pwedeng dahil ito sa nainom nilang gamot habang sila'y nagbubuntis o di kaya'y kulang sa nutrition ang ina habang sila ay nag dadalang tao.Hmmmm..Di napaka swerte naman pala ni Ara Mina dahil pinag lihi daw siya kay Sharon Cuneta? Eh bakit ako DI pinag lihi kay Judy Ann Santos pero kamuka ko daw si JUDAY sabi nila..
Eniway hi-way di hamak na mas mayaman siya sa akin pero shempre bilang ako. dahil ako may-ari ng blog nato at sarili ko to mas maganda ako sa kanya kahit hindi..Itaas ba sariling banko..hihihihi..
Naisip ko lang, panu kung pinaglihi ako sa tsinelas? Anu kaya magiging itsura ko? Kasing chunky din kaya ng CROCS ang nguso ko? At parang hinampas ng BEACHWALK yung nose ko? Chakabelles di ba..


Ikaw saan ka pinaglihi?










"Be thankful for what you have; you'll end up having more. If you concentrate on what you don't have, you will never, ever have enough.-Oprah Winfrey"










5/01/2011

What IF?

Sometimes in life we find ourselves so busy with our day-to-day activities that we, as people, forget what the larger picture is really all about.  Specially  now we almost live and breathe thru our cellphones,laptops,ipad,psp etc. That we get so enwrapped and It has become such a big part of our lives.Things are done instantly because of the advent of technology. That we almost cant remember life without it.


I am constantly wondering,what if i wake-up one day without those? Would it be the same like before?








"In life nothing is permanent.We come with nothing and take nothing when we die."
 
 
 
 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...