9/10/2011

BAKIT MO KO INIWAN?

Madaming ka SHiTAN ang nangyari sa akin nitong nakaraang buwan isa sa mga highlights nito ang pagkawala ng isa sa pinaka importanteng parte ng buhay ko sa loob ng 8 years. Sobrang di pa din ako maka get-over  hanggang ngayon. Kahit sino naman siguro di ganun kadali basta basta kalimutan na lang ang pinagsamahan. Lalo na't nakasama ko siya at my lowest ebb and sa mga pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko.

Add caption
 Opo, isa po akong dakilang tanga. Di pala biro ang pagiging tanga. Pwede namang maglakad bat nakuha ko pang mag-tricycle?Pwede namang iwan yung phone bakit ko pa dinala? Pwede naman hindi muna ibalik yun kelangan ibalik bakit ko agad binalik? Tan ang paulit ulit na pumapasok at naglalaro sa utak ko hanggang ngayon. Hay!

Nung confirmed na nawawala  si Sammy the Samsung  agad agad akong  nag marathon papuntang paradahan ng tricycle, hoping and praying na makita ko dun si Mangundadatu (kamuka niya talaga kasi si Mangundadatu) at di naman binigo ni Lord yun prayers ko. Yun nga lang wala daw siyang nakita na phone sa tricycle. !@#$%^&i *(Imposible di butas ang bulsa ko para mahulog ito ng nakatayo ako!) Sa pagkakataong to lahat na ata ng mura sinabi ko, (sa sarili ko lang). Parang gumuho ang mundo ko,gumuho talaga*slight. Tinawagan ko ito gamit ang phone ng lola ko. Super bonggang ring pa din siya pero di na sinasagot. Tinadtad ko ng text ang sarili kong phone na nagsasabing kanya na yung phone ibalik lang niya yun SIM ko. Actually nga nung kinagabihan na contact ko pa ang sarili kong number,girlash ang sumagot.

AKO- Hello, Please naman oh ikaw ba nakakuha ng Cellphone ko?
JEJEGIRL- Hindi ko po to kinuha napulot ko po to. *o sige ikaw na ikaw na! kaloka ka neng.
AKO- Taga saan ka saan mo napulot phone ko?
JEJEGiRL- Dito po sa may Esguerra
AKO-Panu yan napunta diyan? Di naman ako pumunta diyan? Taga saan kaba?
JEJEGIRL- Taga Andal po, Ay taga Esguerra pala.*fishy kayo ng tatay mo,che!
AKO- O sige, reward ko na yang phone o sayo ibalik mo lang sim ko.Dito kami nakatira sa tapat ng school. Ang gawin mo ibalot mo na lang sa bond paper yang sim ko o envelope tas iwan mo sa tapat namin.
JEJEGIRL- O sige po
AKO- Alam mo ba tong lugar namin?Please Miss kelangan ko talaga yang SIM ko na yan. Importante yan sa akin.
JEJEGIRL- Opo alam ko po kung saan kayo. Sige,bukas iiwan ko.
AKO- Sige, thank you ha. Aasahan ko yan.

At nakuha pa nga niya kong itext gamit ang load ko. Text na lalong nagpasakit sa ulo ko. "OWKHIE PWHO.PHWRAMIS PWHO etc..."( Shit! Asayo na nga papahirapan mo pa ko magbasa! Anu ba.!)Nakalagay din sa text  na makikipag meet na lang daw sila *di ko na tinype dahil parusa siya itype at basahin.* Siyempre i refused mamaya kung anu pang gawin nila sa akin wala pa namang boylet dito sa bahay. So sinabi ko yung pinagusapan na lang namin na iiwan niya sa tapat yun ang mas makakabuti. And ayoko siyang/silang  makita. Di ko alam kung bakit basta ayoko.
                                         
Nalulunkot ako dahil sinabi niya na ibabalik niya yun SIM ko chuchuchuchuchuchu..... Naghintay ako nung kinabukasan dahil umaasa ako na may mababait pang tao pag dating sa mga ganyang bagay. Yun pala wala na talaga. Isa pala siyang dakilang jejegirl na magaling magDRAWING. So nag decide ako na pumunta na sa abogado para mag pagawa ng Affidavit of Loss. Bukod sa kailangan daw yun para maipa block ang SIM at makakuha ulit ng ganung number. Kailangan ko din ito para sa safety ko at ng mga bagets ko, pang contact kay Shano Gibbs at sa mga bagay bagay lalo na't ginagamit niya pa yun phone ko nung mga panahong yun.

Holiday nung araw na yun halos lahat ng establishments sarado. May dalawa namang bukas isang Attorney at Law ek-ek at Notary churva. Dun ako pumunta sa Attorney at Law kahit lam kong di ko dapat dun pumunta. Tinatamad kasi akong umakyat ng building para sa Notary churva. Kung minamalas ka nga naman wala si Mr.Abogado sa opisina niya pero etong si ateng secretary na parang napadaan lang ng opis eh nagprisinta pa din na gumawa ng Affidavit. Gusto kong tirisiin si ateng secretary dahil wala na nga sa hulog ang utak ko nung araw na yun nakuha pa niyang ako ang pag isipin ng ilalagay niya sa tinatype niya. Kumusta naman yon di ba? Pero inpernes nahalata niya siguro na badtrip na ko at nahiya naman siya siguro sa ginawa niya *malamang eh parang nakigamit lang ako ng computer at pinatype lang sa iba yun mga ilalagay*.  Hindi na niya o siningil ng mahal 20php lang para sa 3 long bond paper na naiprint niya. Saka ko dinala yun Affidavit sa Notary churva oh di ba tanga lang talaga.*Sorry disoriented talaga ko that time*

Pagkadating ko sa Smart Wireless Center, i presented my affidavit. Kulang pa daw ang requirements ko*SHiTNESS to the highest level ang pakiramdam* Ang kailangan ko daw i-present ay ang mga sumusunod......

VALID I.D- check!
AFFIDAVIT OF LOSS- check!
SIM CASING, P.U.K CHURVA, SMART MONEY EK-EK(kahit isa diyan)- FAILED
*WTF wala na ko niyan na ONDOY na 8 years ko na yan haller!!!*

Ginamit ko na ang aking pagiging master debater pagtading sa mga bagay bagay. Pati pagiging drama queen ko ginamit ko. Yes, para lang naman akong tanga na iniyakan ang SIM card ko at  nagyon ko lang napag isip isip na nakakahiya pala ang ginawa ko. Ang dami pa namang nanonood. Mwahahahaha, di bale nakuha ko naman sympahty nung mga fans ko. Pati sharp tongue ko ginamit ko pero di talaga umubra kasi yun daw ang hinihingi ng punyetang NTC para daw maipa block at mapalitan yun SIM. Kasehodang yan pa number mo nung virgin ka pa, number mo sa I.D mo, sa I.D ng mga anak mo, sa opisina ng asawa mo, sa mga business contacts mo, sa nanay,tatay,kapatid kamag-anakan at friends mo, o kahit anu pang katibayan mo na sayo yun PAKING SHET na SIM CARD na yun, di pa din DAW sapat yun na dahilan para masabing number mo yun. Sa kasamaang palad mga postpaid users lang daw pala ang madali maipa block at makakuha ulit ang number pag ganun yun nangyari.Sorry naman poor lang! At umuwi na lang ako ng luhaan at talunan sa debate at sa best actress award.




*Hanggang ngayon may time na napapa ring ko pa din ang  number ko. Di naman maasyado makapal muka nila di ba?
*Di ko na nakita ulit si  Toto Mangundadatu sa paradahan after that incident.
*At buti nalang wala akong scandal dun sa cellphone,char!BOW!





|GOD is still GOOD to me|

11 comments:

an_indecent_mind said...

awww! masaklap pag nawala ang cp kasi ung contacts ang problema dun!

naranasan ko na din yan, dinampot yung bagong-bagong cp ko na nakadisplay sa table ko! ayun! sa awa ng mga walang-awa nung una kong tinawagan e nakarinig ako ng ugong ng jeep! haha!

charge to experience na nga lang, ano pa nga ba?? LOL

mommyJunkie said...

Yikes,tamang display lang ng bagong cp napaka ouch.hehehe...

Ser,ok lang yun cp makakbili ka ulit ng ganun.Yung SIM yun pinaghihinagpisan ko.

Arvin U. de la Peña said...

badtrip nga kapag nawala ang cellphone....kasi baka itext ang mga kontak..........gaya ng sabi mo buti walang scandal doon......baka naman mayroon,hehe.....nagkunwari ka lang sa blog na wala,hehe..joke.....bigla na lang bumulaga youtube scandal...

Arvin U. de la Peña said...

ilagay mo sa facebook..sabihin mo hindi ka na ang owner ng cp na iyon..

mommyJunkie said...

Wala namang scandal.hahaha..Kung meron man hudyat na yun ng pagkalugi ng porn industry at pekeng dvd dito sa pinas..

kim said...

ay, ang sad naman ng post na yan.. nangyari na rin sa amin yan at ayoko ng maalala, hehe.. sana lang ibinalik yung SIM, sayang naman ang mga number sa phonebook, di ba? yaan mo na, next time mag ingat ka na lang.. see you around!

glentot said...

Naku yun ang una kong naisip, yung kung merong scandal buti wala! Yung classmate ko kasi noong college, nahablot yung phone nya sa kalsada, ang una lang nyang nasabi ay "Shet, yung mga scandals ko..." yun hahhaa mas masakit sa ulo yun.

SunnyToast said...

ang sad naman na story na 2...pero same tayo ako naman nasira ang lens ng SLR ko at ang skit talga sa bangs...grh!

kung pwde lang ibalik nalang yong sim yong phone khit sa knya na...hahaha:)

Anonymous said...

hahhaha, bigay mo na lang din sa kanya yung sim. hehehe. agfacebook ka na lang tapos imessage mo lahat ng friends mo sa new number mo. hehe

Anonymous said...

ako pala yung anonymous

-kikilabotz

mommyJunkie said...

Salamat sa pag daan.. Mga mahuhusay na blogger kayong mga nag comment nakaka tuwa.

Nakaka lunkot lang pero malapit na ko maka get-over. Salamat sa facebook.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...