4/27/2011

=(

AVP ito kung saan nagtratrabaho ang asawa ko. Nung una ko itong napanuod naiyak ako parang pinipiga yung puso ko. Mas napahalagahan ko  yung mga bagay bagay sa buhay namin.  Naiinis ako sa sarili ko minsan kung bakit simpleng bagay lang nagiging big deal na. Tulad ng di niya pag tetext, sa pang iindian niya sa akin sa YM at sa mga iba pang bagay na kung tutuusin eh napaka petty lang naman.At kung tutuusin mas mahirap nga yung sitwasyon niya dun. Malayo sa  amin at walang kasiguraduhan ang kaligtasan. Proud ako sayo Hon bagay pa yung tumapat na caption sayo MOTIVATION..at asa teamwork ka din pala.. Mahal na mahal ka namin=( 



"WE MAKE A LIVING BY WHAT WE GET, BUT WE MAKE A LIFE BY WHAT WE GIVE"




Wordless Wednesday#3: Pj´s air walk



















4/20/2011

Totoo ba o Hindi

SCENE1
LOCATION:Baguio
Pagkatapos namin sumakay ng boat sa Burnham park kasama ng aking kapatid at 2 pinsan dahil hinihintay namin ang isa naming  kapatid na nakaligtaan na makikipagkita pala siya sa amin, kami ay nag desisyon na na lumakad sa may banda kung saan merong masasakyang cab. Habang kami'y naglalakad, ngkwekwentuhan,nag pipikturan, meron biglang isang lalaking lumapit sa aming grupo. Nakangiti siyang lumapit sa amin at tinanong kung kami ay katoliko. Siyempre bilang isang anak ng diyos proud pa kaming sumagot saba'y sabay ng opo. Sabay labas niya ng isang bagay na may imahe ng iba't ibang mga santo.

MANONG: Nagsisismba ba kayo?
KAMI: opo
MANONG: eto may IBIBIGAY  ako sa inyo 
SIYEMPRE BIGAY DAW KAYA TUWANG TUWA NAMAN KAMI
AKO: ay anu po yan
MANONG: gawa to ng mga bata sa orphanage
KAMI: aH ganun po ba.
Manong: o eto tig iisa kayo, gawa nila yan blessed na yan
Kami: salamat po.
Manong: 50 lang isa
(huwaaaaaat????sabi niya kanina BIGAY?? ano to apat pa naman kami)
Ah ganun po ba?eh wala po kaming barya eh..
MANONG: sige 30 na lang
KAMI:(kamot ulo)




Scene2
LOCATION: San Fernando La union

Nangyari ito after ko makipag meet sa aking kaibigan dito sa province. Pagkababa na pagkababa namin sa kanilang kotse biglang may sumalubong sa amin ng mga bagets ko na isang studyante (ata) dahil pinakita pa niya ang kanyang I.D at sabay bigay  ng isang card na kasukat ng calling card na may imahe ni Mama Mary at ni Papa Jesus na Hologram ang dating. Napaisip na naman ako sa pagkakataong ito dahil sa nangyari sa amin nitong nakaraang Linggo lang.Aba pagkakataon nga naman.At 70 naman ang presyo. Sinubukan ko itong tanggihan ngunit ipinilit pa din sa akin. Siguro sa araw na yon dahil gabi na wala pa din siyang benta kaya binigay niya na sa mas mababang halaga. (photo not included)


Sa totoo lang malakas ang FAITH ko kay GOD. Di ko alam kung kasalanan ba na mapag isipan ng iba yung mga taong ito. Kung anu man ang pakay nila sana huwag na nilang gamitin yung nasa itaas. At kung ayaw bumili ng tao wag na nila ipilit at sana huwag na din sialng umamit ng statehiya na pag once andun ka na sa situation di ka na pwedeng humindi O kung anu man sana sabihin nalang nila yung totoo hindi yung gagawa pa sila ng kung anu- anung kwento. Nadismaya talaga ako sa pangyayaring yun di dahil nanghihinayang ako sa trenta at singkwenta na ibinyad ko kung di dahil naiinis ako sa mga taong nananamantala sa panginoon sana nga sa mabuti mapunta lahat yun.Mag mamahal na araw pa naman.



















4/15/2011

Mommy Moments - Birthday Photo




I chose these pictures because the siblings seldom celebrate their  birthdays together coz my eldest is not with us=(       (And to be fair with her also.)  

Pia´s birthday didn´t turned out the way we want it to be because my lola was rushed to the hospital.. Swimming party was cancelled but they still enjoyed it though=)



My 2nd entry for
mommy moments 



4/11/2011

Nikon vs Canon Durability Test

Dream kong magkaDSLR. Saktong sakto tong 2 cam nato eto yung pinagnanasahan kong paulit-ulit binabalikan ng tingin sa mag. When i saw this clip..jusko..kung totoo man to...pwede bang akin na lang?? MY GOSH !





The story of us #3: "Faith really binds, parang mighty bond"

 Our relationship was once a bit sickly. But today it is not only thriving its healthy and much stronger parang naka vitamins.=) Shane and I doesnt have a perfect relationship//marriage but God sees to it that each day we are heading towards in that direction. We were together now for 11 years and im proud of it!(that 1dekada mahigit is quite long and tough) And i still have the rest of my life to spend with him and get to know him more....and more..Im very much thankful that we still have each other, thats why many were asking if we have secret formulas or whatever..siguro..mmmm..ewan..maybe he's my no.1 fan?connection?wala lang feel ko lang itype,tapos in his eyes syempre im the most beautiful one,oha!vice versa.Im his no.1 fan din and siya ang derek ramsay ng buhay ko:) (di ko talaga ma connect sa secret formula) Maybe i can make him laugh real hard.(kumonek na ba?)tapos may tag isa kaming voodoo doll kaya pag my something isang tusok lang understood agad no more arguments.JOKE!baka may maniwala mapgkamalan pa kaming witch.Kidding aside wala talgang formula formula to achieve happy relationship.Wala kayang perfect yung amin lang.natural lang dapat and everything goes. The usual drama kasi 5 or 6 years together many would declare that love has died at ang matindi it disappeared into thin air(wow ang astig naman nun). For me instead of picking up they just let it go kaya ganun, siguro tinamad na i work out. Siguro nga were lucky with each other compatible din though in some ways we are opposites.Tapos we love each other unconditionally without even knowing why or how.kaya we still have each other.Weve shared so many tears(oo he knows how to cry)hardships and sacrifices as in everything (hindi lang talaga third party pero birthday party npag awayan na..) We didnt expect na ma lalagpasan namin lahat proven and tested na may foundation pa( for now).Dun sa mga tao na alam yung pinagdaanan namin super hands down sila pero shempre never ending ang story..never ending ang life na parang roller coaster ride. Kaya alam ko na marami pang bagay na naghihintay sa amin..i know maraming pa din doubtful and so what. Many are still waiting and wishing for our separation..showbizzzz ba? bard pitt ba at angelina??good luck talga sa amin..

Looking back ang sarap ng feeling..lagi nalang namin iniisip na kung di dahil sa mga tao sa paligid di kami magiging driven sa buhay namin at magtatagal ng ganito. Thank you for inspiring us we took it positively and we learned..FAITH REALLY BINDS AND IT'S SOMETHING WE SHARE,,MAYBE THAT'S WHY...and everything follows...kanya kanyang diskarte land siguro yun ang formula:)












4/07/2011

FLOCCiNAUCiNiHiLiPiLiFiCATiON

Kanina habang akoý naghahanap ng matinong palabas sa tv napukaw ng salitang ito ang aking mga mata habang naka flash lang siya sa ibaba ng isang banyagang show. floccinaucinihilipilification. Dali dali kong itinype ito upang i-google. Ilang beses din akong ngkamali- mali sa pag tataype dahil bukod sa ngayon ko lang na encounter ang salitang ito napaka hirap pa niya ispellingin at basahin. Buti nalang matagal tagal itong nakalagay duon sa TV habang nag uusap sa wikang di ko maintindihan ang dalawang host.
floccinaucinihilipilification-read as (FLOK-sih-noh-see-NEE-hee-lee-PEE-lih-fih-KAY-shun) (Oh may goolay parang tongue twister lang ah.) it is describing something as worthless, or making something to be worthless by deprecation".
Di ako makaisip ng sentence eto na lang.
  • Split na tayo floccinaucinihilipilification ka na sa akin!
HAHAHAHA..inisplitan mo na na-nosebleed pa.
Dito mo makikita kung sino ngpasimula nitong salitang to kaloka siya. di halatang bored masyado at ganito ka komplikado yun word.  http://www.worldwidewords.org/weirdwords



4/05/2011

The story of us #2: "One day, someone asked me and it made me think"





What part of your life would you want to change? someone asked me…and it made me think for awhile..(hello..beauty contest ba ito?whatta question girl.)

Maybe life is not always as we want it to be…i said.. and there are times we wish we could live our lives in a different way..but in retrospect..and with the acceptance of happening in my life there's nothing I would want to change…despite the toll of mistakes (god knows that),,all the emotional high and lows that i have encountered (with shane  of course),, the decisions and indecision impulsively made,,even if the bad things that i have done outnumbered the goods(hehe..)..i would never exchange that for anything in this world…i have my family with me..my loving husband…my wonderful and bright kids(kahit na super kulet sila)…to smile and exchange laughter with them is priceless..my family keeps me grounded..i am very proud that i am blessed with a beautiful family..so why change something??

oha....panalo na ba ko sa answer ko

“GOD FOREKNEW MY LIFE AND ALLOWED THE MISTAKES..CAUSE HE ALWAYS PLANS THE BEST THINGS FOR US”

ang lagi naming linya at the end of the day…”willing pa din ako pag daanan uli yung mga hirap at sacrifices na pinagdaanan natin dati..basta ikaw pa din yung kasama ko bandang huli-...”-shane&joy
















Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...