6/25/2011
Isuot mo para alam mo - 01 (dahil alam ko may number 2 pa)
Always put yourself in others' shoes. If you feel that it hurts you, it probably hurts the other person, too. ~ Unknown
6/18/2011
MOMMY911- My son's frequent "LINING UP TOYS"etc scenario. So weird.
| Honestly, it kinda freaked me out at first because it's a bit odd for me to see him do it almost everyday! pati nga pala shampoo di nakaligtas=D But according to some sites that I've visited, many toddlers/pre-schoolers go through this "lining thing up" phase which they considered to be very developmentally normal and in fact a good phase. A lot of mom's also shared that their little one's also do this and it's normal. Unless he or she has this following signs and symptoms at his/her early age . He's happy and he seems to enjoy doing it anyway, so why worry? And maybe it's his way to keep his things tidy. O_o |
6/11/2011
Mommy Moments - LOVE YOU DAD
There are no words on how to describe their dad as a father. Because for us he's simply the BEST.
![]() |
| We thank you for the sacrifices. Being away just to give us a better future is not that easy. |
![]() |
| We may not say it everyday but God knows how much we love you and that we are proud of you. |
![]() |
| Thank you for everything, Dad We love you and miss you so much . My 3rd entry for ![]() |
6/10/2011
Dear Mr.Lebron
Dear Lebron,
Good day. Alam ko wala ka sa mood nagyon kasi natalo ulit kayo. Di na ko magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko sanang itanong,wala ka bang pangbili ng chewing gum at panay ang nguya mo sa mouthpiece mo? Mukang sarap na sarap ka kasi at sa tuwing nahahagip ka ng camera puro pag nguya mo ng mouthpiece ang nakikita ko. Kung magkapitbahay lang tayo ako pa mismo magsusupply sayo ng bazooka o kung gusto mo ng minty judge ang ibibigay ko sayo. Sensya na ha ang pangit kasing tignan.
Gumagalang
Taga Nuod
6/09/2011
Birthday ko na parang di ko birthday.
Almost 1 week na pala ang nakalipas nung akoy nagbirthday. Kung ire-rate ko ito from 1 to 10 5 lang ang ibibigay kong score.
**Bago mag a-trena ng Mayo araw ng hatchday ko namatay ang lolo ko, si Tito Rod kapatid na lalaki ng lola ko. Di marangya ang buhay nila di tulad ng iba. 6 am yun ng may 29 sa buong buhay ko 1st time ko nakakita ng ganung scenario.Si tito Rod na nakikita ko palagi sa pintuan nila na nagyoyosi tuwing umaga naka fetal position habang sumusuka ng dugo. Habang yung asawa't anak niya di magkanda ugagaga kung anu bang gagawin. Di na namin siya mabuhat dahil dead weight na.Sabi nila ganun na daw pag malapit na mamatay.
10am
Mudra: kuhaan mo nga ng pulse rate si tito rod, tignan mo kung okay na....
Ako: opo..**** kuhaan mo daw ng pulse rate si tito Rod
****: ikaw na. ikaw inutusan di ba?
Ako: HEHEHEHE
Ako lang tao nung mga panahong yun sa tabi niya.Yung anak niya umakyat sa kwarto nila si wifey nag jingambels at si doter naliligo. Hawak hawak ko siya sa may bandang pulso niya. Ang bilis bilis ng pulse rate niya per minute tapos biglang bumagal nawala sumulpot nawala..Bigla niya hinila bahagya ang buong arms niya papalayo sa akin. Kung nung una naka side view siya nun oras na yun inayos niya yun ulo niya para dumeretso tas i called out his name bahagya dumilat mga mata niya at na surprise ako. So tinawag ko ulit name niya. Sumagot naman siya.Di ko lang nainitindihan kung anung sinabi niya. Habang hawak hawak ko siya sa may bandang pulse huminga siya ng tatlong huling hinga. @!$@* patay na si tito Rod...............
First time ko naka encounter ng ganun. Kasabay ng pag hagulgol ng asawa't anak niya ang pag tulo ng luha ko.Bigla kong naisip na di matutuloy ang birthday sopas ko.CHOS! Bigla kong naisip kung panu kung kami yung asa ganung situation.Hanggang nagyon di pa din ako maka get over. Nakakalunkot siya inpernes.
Bigla siyang naging lesson nanaman sa akin. Naisip ko birthday gift siya sa akin ni God.Di yung pagkamatay ni tito Rod ha kundi yung experience.Ganun lang pala kadali ang buhay so dapat i enjoy mo habang buhay ka pa alangan namang i enjoy mo ng patay ka na?Dapat din pahalagahan mo yung mga taong nakapaligid sayo di naman nakamamatay ang pagsabi siguro kung ganu mo sila kamahal at gano mo napahahalagahan yung mag ginagawa nila para sayo kealn mo sasabihin yun pag wala na sila sayo? At matuto mag pahalaga at magpasalamat sa maliit man o malaking blessings ni papa GOD.Nagiging madalas ang pag rereklamo ko sa buhay pero di ko naiisip yung iba na mas may mahirap pa na iniinda kesa sa akin tulad na lang ng pamilya ni Tito Rod at nung iba na mas may mabigat pang dindla kesa sa akin.Sorry po Lord nagsabog kayo ng pagkareklamador patulog pa lang ako..
Di ko na ikwekwento kung anu nangyari nung eksaktong hatchday ko dahil it sucks! Oooppsss... Heniways....
Sa lahat ng nag greet dito ko natats.Pinaalala niya ang pag loka loka ko 11 years ago=D
O_o
6/08/2011
DID YOU KNOW?
Gusto ko lang i-share tong email na to. Di ko alam kung totoo lahat ng mga to.Bonnga ka pig.
Did You Know …
*If you yelled for 8 years, 7 months and 6 days you would have produced enough sound energy to heat one cup of coffee.
*If you farted consistently for 6 years and 9 months, enough gas is produced to create the energy of an atomic bomb.
*The human heart creates enough pressure when it pumps out to the body to squirt blood 30 feet.(O.M.G.!)
*A pig’s orgasm lasts 30 minutes.(Wow naman ang pig.)
*A cockroach will live nine days without its head before it starves to death.(di ako maka get over sa pig,antagal nun ha)
*Banging your head against a wall uses 150 calories an hour.
(Di nga? Mawawala nga calories mo wala ka na ding utak.)
*The male pray mantis cannot copulate while its head is attached to its body. The female initiates sex by ripping the male’s head off.
*The flea can jump 350 times its body length. It’s like a human jumping the length of a football field.
(30 minutes… lucky pig. can you imagine??)
*The catfish has over 27,000 taste buds.(Pati basura kasi kinakain)
*Some lions mate over 50 times a day(Quality over quantity pa din bongga kang pig ka.)
*Butterflies taste with their feet.
*The strongest muscle in the body is the tongue.(Hmmmmmm=))
*Right-handed people live, on average, nine years longer than left-handed people.(Panu pag ambidextrous?)
*Elephants are the only animals that cannot jump.
*A cat’s urine glows under a black light.
(I wonder who was paid to figure that out?)
*An ostrich’s eye is bigger than its brain.
(Madami akong kilalang ganyan.)
*Starfish have no brains.
(kaya pala bongga pagka henyo ni Patrick sa Spongebob)
*Humans and dolphins are the only species that have sex for pleasure.(What about that pig??)
Ang galing naman nung mga nag research nito=)Akalain mong inorasan yun orgasm ng pig.
5/24/2011
The story of us #4: "LDR ng 8months**paulit-ulit na cycle"
![]() |
| To the one who bears the sweetest name, Salamat at pinasaya mo ko ngayong araw na to (dated 05.24.11). Parang lumang bagong pakiramdam lang ulit. Na di ko pagsasawaang maramdaman habang buhay. Kahit wala yung pamatay mong da moves okay lang nakita ko naman ang Derek Ramsay ng buhay ko. Di bale madami pa namang next time. Alam ko madami akong ka bruhahan sa buhay nitong nakaraang mga araw.Sorry naman, kasi nung nagsabog si God ng kabruhahan medyo patulog pa lang kasi ako.Di ko palaging sinsabi sayo to(tuwing may okasyon lang) sobrang thankful ako dahil ikaw yung napang asawa ko. Di man perpekto yung buhay natin pero yun yung kagandahan nun dahil yun imperfections natin sa buhay ang nagpapatatag sa atin. Medyo madami na tayong napagdaanan na di natin lubos maisip na malalagpasan natin. Sa totoo lang natatakot ako sa mala rollercoaster ride na problema pang darating sa atin. Sana sa mga dadating pang mga araw at taon tayo pa din ang magkasama kahit magkalayo tayo keri na yun basta alam kong andiyan ka para sa amin at mahal mo kami ng mga bata. Medyo asa baku-bakung daan tayo ngayon(*alam mo na yun).Sana kalaunan maging spalto naman kasi medyo nakakasakit na ng ulo pag baku-bako palagi yun daan.Pero kahit ganun pa man kahit na kasing tagal ng DPWH ang serbisyo basta alam kong dun tayo papunta sa spaltong daan na yun okay nako dun. Ako pa din naman yung dating echoserang exGF na nakilala mo. Ako pa din to yung taong marunong makuntento sa buhay kahit walang kagarbuhan sa katawan at kung sa anu-anong bagay.Ako pa din to yun taong mas gusto ng lab letter kesa mamahaling gamit galing sayo, yung taong mas trip ang hhww kesa sumakay ng sasakyan, yung taong mas trip kumain ng fishballs at isaw kay hot mama kesa kumain sa restaurant. Salamat sa pakikinig at pag-unawa sa kabruhahan ko.Salamat din sa unconditional na pagmamahal. Alam mo namang ikaw lang ang bestfriend ko sana di ka magsawa at mapagod, kahit na sa ibang bagay eh madali ka nang mapagod oks lang yun=D.Miss na miss na kita sobra. Ingatan mo sarili mo palagi para sa amin.Mahal na mahal kita sobra. ![]() *marahil ikaw ay nagtatatka ok din pala pag tagalog ang lab letter. Ito ang pinaka una kong love letter na tagalized ng bonnga sana magustuhan mo hon.XOXO |
Subscribe to:
Posts (Atom)







